Lebran, Inc

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Isa sa mga pelikula ng Lebran, ang Saigon (Picture from ([1]).

Ang Lebran, Inc o Lebran International ay isang kumpanya ng mga pelikula na isa sa mga pamosong istudyo noong dekada '50. Kasama ang Sampaguita Pictures, Premiere Productions, Inc at LVN Pictures, binubuo nila ang “Big Four” ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Itinatag ang Lebran noong 1949 nina William A. Brandt, Manuel Valdes, Rafael Anton, Rita Valdes Araneta at Carmen Valdes Nieto. Ito ang isa sa mga unang istudyong pampelikula na nagpakadalubhasa sa production design. Ang departamento nito ng sining ay pinamumunuan ni Carlos "Botong" Francisco, na siyang nagdisenyo ng kasuotan, set at props ng pelikulang Romeo at Julieta noong 1951 at Sigfredo.

Ang Kalbaryo Ni Hesus ang naging pinakamalaking produksyon ng Lebran. Ito ay pinalabas noong 1952 at nagwagi sa FAMAS ng best musical score para kay Julio Esteban Anguita.

Ang Lebran ay gumagawa rin ng mga pelikulang pang-internasyonal tulad ng He Promised to Return noong 1950, na naging matagumpay at naipalabas sa Guam, Hongkong, Singapore at Formosa. Nasundan pa ito ng ibang pelikula na naipalabas din sa ibang bansa.

Dahil sa nagkaroon ng problema sa puhunan ang kumpanya noong 1956, tumigil na ang Lebran sa paggawa ng mga pelikula.

Mga Pelikula

  • His Darkest Hour, 1950
  • The Pirates Go to Town, 1950
  • The Spell, 1950
  • Song of Santo Tomas, 1950
  • Tatlong Patak ng Luha, 1951
  • Neneng Ko, 1952
  • Buhay Alamang, 1952
  • Mga Bituin ng Kinabukasan, 1952
  • May Isang Tsuper ng Taksi, 1952
  • Ang Pagsilang ng Mesiyas, 1952
  • Babaing Kalbo, 1953
  • Walang Hanggan, 1953
  • Malapit sa Diyos, 1953
  • Paniwalaang-Dili, 1953
  • No Place to Hide, 1955
  • Saigon, 1956


Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VIII. Philippine Film. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Lebran. (Hinango noong 16 Mayo 2008).

Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.