Leandro Locsin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Leandro Locsin (Picture from ([1]).

Si Leandro Valencia Locsin (1928-1194), isang arkitekto at Pambansang Alagad ng Sining, ay isa sa mga artistang Pilipino na nakaambag nang malaki sa arkitektura ng Pilipinas. Mula 1955 hanggang 1994, siya ay nakagawa ng 75 na tahanan, 88 na gusali, at isang state palace.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay

Nagtapos si Locsin ng hayskul sa De La Salle College sa Maynila noong 1947 at pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas Conservatory of Music upang kumuha noon ng kurso sa Musika. Ngunit noong 1949, tumigil siya sa pag-aaral ng Musika at bagkus ay kumuha ng kursong Arkitektura sa parehong Unibersidad.

Habang nag-aaral, nagtrabaho siya bilang artist-draftsman ng Ayala Corporation. Nagtapos siya ng pag-aaral noong 1953.

Noong 1954, kinomisyon siya ni Padre John Delaney SJ ng UP Catholic chaplain upang gawan ng disenyo ang Chapel of the Holy Sacrifice sa UP Diliman, isang simbahan na kilala dahil sa hugis pabilog na istruktura nito at sa simboryo nito na may kapal na tatlong-pulgada lamang.

Ang pinakamalaki at pinaka-kamangha-manghang obra naman na kanyang nagawa ay ang Istana Nurul Iman (Palace of Religious Light), ang palasyo ng Sultan ng Brunei, na may kabuuang sukat ng sahig na 200,000 sqm.

[baguhin] Mga Gawa

  • Chapel of the Holy Sacrifice, UP Diliman, 1955
  • Hyatt Regency Hotel sa Pasay, 1967
  • Cultural Center of the Philippines, 1969
  • Makati Stocks Exchange Building, 1971
  • Folk Arts Theater, 1974
  • Ayala Museum, 1974
  • Philippine International Convention Center, 1976
  • Philippine Center for International Trade and Exhibitions or PHILCITE, 1976
  • Philippine Plaza Hotel, 1976
  • Mandarin Oriental Hotel, 1976
  • pagsasaayos ng Manila Hotel, 1976
  • National Arts Center sa Makiling, Los Baños, Laguna, 1976
  • terminal ng Manila International Airport (ngayon ay NAIA), 1979
  • Istana Nurul Iman -palasyo ng Sultan ng Brunei

[baguhin] Parangal

  • Ten Outstanding Young Men Award for Architecture, 1959
  • Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii Chapter, 1961
  • Rizal Centennial Award for Architecture, 1962
  • Republic Cultural Heritage Award, 1970
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1972
  • Gold Medal Award mula sa Philippine Institute of Architects, 1978
  • nahalal na Honorary Fellow of the American Institute of Architects, 1980
  • Likha Award and Gold Medal mula sa United Architects of the Philippines, 1987
  • Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura, 1990
  • Arts and Culture Prize sa ikatlong Fukuoka Asian Culture Prizes Ceremony sa Fukuoka, Japan, 1992

[baguhin] Mga Larawan

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol III. Philippine Architecture. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Arkitektura ng Pilipinas. (Hinango noong 27 Mayo 2008).
  • Leandro V. Locsin. (Hinango noong 27 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.