Lea Salonga

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Lea Salonga

Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea Salonga. Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula ng kanyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.

Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables. Si Lea rin ang umawit ng A Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Filipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.