Lamberto E. Antonio

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Lamberto E. Antonio ay isang Pilipinong manunulat at kabilang sa tatlong tungkong bato ng panulaang Filipino, kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas.

Mga nilalaman

Talambuhay

Isinilang si Antonio noong Nobyembre 9, 1946 sa Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija. Nagkolehiyo siya sa Unibersidad ng Silangan, kung saan niya nakilala sina Almario at Mangahas, at naging punong patnugot ng Dawn, ang opisyal na pahayagan ng nasabing unibersidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga akda, naibalik nila ang Filipino bilang isang wikang pampanitikan. Dito rin siya nagtapos ng kursong BA Political Science noong 1969.

Para sa kanyang mga tulang sumusuri sa kalagayan at isyu ng lipunan, nanalo siya ng Ikalawang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang koleksyong “Tatlong Awit ng Pagpuksa” noong 1971. Buhat noon, nanalo pa siyang muli ng mga Palanca hindi lamang sa kategoryang Tula kundi pati na rin sa kategoryang Sanaysay at Maikling Kwento, lahat sa Filipino.

Hindi nalimitahan sa Palanca ang tagumpay ni Antonio--kasama si Mario O'Hara, isinulat nila ang iskrip para sa “Insiang,” ang unang Filipinong pelikula na nakabilang sa Cannes Film Festival noong 1970.

Ang kaniyang pinakabagong libro, ang “Pingkian at apat pang aklat ng tunggalian,” ay isang koleksyon ng kaniyang mga tula mula dekada '60 hanggang sa pangkasalukuyan. Kabilang dito ay ang Pingkian, na binubuo ng mga tula tungkol sa rebolusyong Pilipino laban sa Kastila, at nakasulat sa istilong epiko.

Nagsilbi rin siyang patnugot ng Aklat Adarna Project ng Children's Communication Center at isang kolumnista para sa pahayagang Kabayan. Kasama si Ariel Dim. Borlongan, isinalin nila ang libro ni Renato Constantino na The Philippines - A Past Revisited sa Filipino, na pinamagatang Ang Bagong Lumipas I.

Bibliograpiya

Koleksyon ng mga tula

  • “20 Tula” - 1971
  • “Hagkis ng Talahib” - 1980
  • “Pagsalubong sa Habagat” - 1986
  • “Pingkian at apat pang aklat ng tunggalian” - 1997

Koleksyon ng mga sanaysay at maikling kwento

  • Rebanse - 1991

Mga Parangal

Don Carlos Palanca Memorial Awards

  • Tula sa Filipino
    • “Tatlong Awit ng Pagpuksa” - Ikalawang Gantimpala, 1971
    • “20 Tula” - Special Prize, 1972
    • “Sangkipil na Uhay” - Unang Gantimpala, 1976
    • “Sa Bibig ng Balon at Iba Pang Tula” - Unang Gantimpala, 1977
    • “Duyan, Araro, Pungko” - Ikalawang Gantimpala, 1978
    • “Pagsalubong sa Habagat” - Ikalawang Gantimpala, 1985
    • “Lilok ng Lilo” - Unang Gantimpala, 1999
  • Maikling Kwento sa Filipino
    • “May Hatid na Subyang ang Hangin at Ulan” - Ikatlong Gantimpala, 1981
    • “Alitaptap sa Gabing Maunos” - Ikatlong Gantimpala, 1985
  • Sanaysay sa Filipino
    • “Bakasin mo sa Bakasyon” - Unang Gantimpala, 1999

National Book Award for Poetry

  • ”Pagsalubong sa Habagat,” 1985
  • “Pingkian at apat pang aklat ng tunggalian,” 1997

Mga Sanggunian


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.