Lagundi

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Lagundi (Vitex negundo)

Ang Lagundi ay isang palumpong (shrub) na may limang dahon at tumataas ng may 5 metro. Ito ay isa sa karaniwang halamang-gamot sa Pilipinas na may siyentipikong pangalan na (Vitex negundo). Pinatunayan ng Kagawaran ng Kalusugan na isa itong mabisang halamang-gamot na kadalasang ginagamit na panglunas sa sipon, lagnat, pamamaga ng pharynx at hika.

Sa kasalukuyan, ang lagundi ay ipinagbibili sa mga botika sa paraan ng tableta, kapsula at mayroon na ring cough syrupna para sa mga bata. Ito ay aprubado ng Bureau of Food and Drugs.

Ayon sa mga pananaliksik, ang Lagundi ay may taglay na chrysoplenol D, isang smooth muscle relaxant na may anti-histamine. Ito rin ay nagtataglay ng mga kemikal tulad ng isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside at iba pang katangian o propyedad na nagbibigay ng anti-histamine effect. Maliban dito, ang lagundi din ay mayroong leukotriene release inhibition, isang importanteng mekanismo na nakakapigil ng hika.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Benepisyo

  • Nakakapagbigay ginhawa sa hika at pharyngitis
  • Nakakapagbigay ginhawa sa rayuma, dyspepsia o pananakit ng tiyan dulot ng hindi pagkatunaw ng kinain, indihestyon, pigsa at pagtatae
  • Panglunas sa ubo, sipon, lagnat, trangkaso at iba pang sakit sa baga
  • Nakakapagbigay ginhawa sa sintomas ng Bulutong Tubig
  • Nakakapuksa ng bulate at pigsa sa katawan

[baguhin] Preparasyon

  • Hugasan mabuti ang dahon, bulaklak o ugat ng lagundi at tadatarin ang mga ito.
  • Magpakulo ng kalahating tasa ng dinikdik na tuyong dahon ng lagundi sa dalawang tasa ng tubig ng 10 hanggang 15 minuto sa mahinang apoy. Palamigin atsalain. Inumin ito ng tatlong beses sa isang araw.
  • Ang bulaklak ng lagundi ay maaring gamitin para sa pagtatae at lagnat. Pakuluan ang mga bulaklak ng tulad sa mga dahon.
  • Gayundin ang preparasyon sa ugat ng lagundi na kadalasang ginagamit sa dyspepsia, paglabas ng bulate, pigsa, hilab o kabag ng tiyan, at rayuma.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.