Komonwelt ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Komonwelt ng Pilipinas (Kastila: Mancomunidad de Filipinas; Inggles: Commonwealth of the Philippines) ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.

Ibinase sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang huling pangulo nito.

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Komonwelt ng Pilipinas. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.