Komiks

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.

[baguhin] Kasaysayan

  • Panahon ng Kastila

Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.

  • Panahon ng Amerikano

Noong panahon ng pananakop ng Amerikano sa Filipinas, may ilang babasahing satiriko ang inilathala at lumaganap sa bansa bunga ng pagluluwag ng Amerikano sa pamamahala sa Filipinas. Ang ilan sa mga babasahing ito ay ang Teh Con Leche, Miao, at ang Lipang Kalabaw. Ang Lipang Kalabaw ay unang inilathala noong 1907. Ang magasing ito ay gumamit ng mga satirikong larawan na tumutuligsa sa mga masamang gawi ng mga Filipino, gaya sa kanilang mga bisyo, at sa mga kabulukan sa lipunan. Isinara ang Lipang Kalabaw noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.

[baguhin] Mga Inpluwensiya

  • Nung Sumikat ang mga American Comics tulad ng Superman, X-men, at iba pa, nahaluaan ng stilong americano ang komiks ng filipino. Hindi lamang sa pag guhit, kundi pati narin sa storya at disenyo ng mga tauhan.
  • Ngayon na laganap ang Anime at Manga ay nahalo narin ang mga istilo nito sa mga bagong serye ng mga komiks ng filipino.

[baguhin] Modernong Filifino Komiks

Mga Serye Sa Komiks
Serye Pagtitipon Publisher
Biotrog Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Combatron Funny Komiks
Nik Nok Funny Komiks
Planet Of The Eyps Funny Komiks
Hugo Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Kickero Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Versus Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Darna
Gagambino
Captain Barbel
Double Blade Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Mysteryo Kick Fighter Komiks Infinity Komiks
Mythology Class