Kodigo ng Maragtas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Kodigo ng Maragtas, kilala rin bilang Alamat ng Maragtas ay isang kasulatan na nagtatala ng pagdating ng sampung datu ng Borneo sa isla ng Panay upang matakasan ang mapagmalupit na si Datu Makatunaw ng Borneo. Ayon sa pag-aaral, ang kasulatang ito ay tinatayang naisulat sa pagitan ng mga taong 1200 at 1250.

Mga nilalaman

[baguhin] Pagsasalaysay

Batay sa kodigo, nabili ng sampung datu ang kapatagan ng Panay kapalit ng isang gintong salakot mula sa mga Agta, sa pamumuno ni Marikudo at ng kanyang asawang si Maniwantiwan. Ang mga datu, sampu ng kanilang mga asawa at kaanak, ay ang siyang may pananagutan sa pagpapadami ng populasyon sa buong rehiyon ng Bisayas. Sila rin ang siyang nagbuo ng kalaguman ng mga barangay na kanilang tinawag na Katilingban it Madya-as, sa ilalim ng pamumuno ni Datu Sumakwel.

Ang alamat na ito ay patuloy na ipinagdiriwang ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang taunang selebrasyon ng Ati-Atihan mula nang opisyal na pinasinayaan na ito'y maging bahagi rin ng Pista ng Santo Niño sa Kalibo, Aklan.

[baguhin] Ugat ng Salitang Maragtas

Sa likod ng katanyagan ng nabanggit na alamat sa isla ng Panay, ang salitang maragtas ay nanatiling banyaga sa kaalaman ng nakakarami maliban na lamang sa pagiging pamagat nito ng aklat na isinulat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907. Ang Maragtas ay isinalin ni Monteclaro sa mga wikang Hiligaynon at Kiniray-a ng Panay, at ayon sa kanya, ang salitang maragtas ay nangangahulugang kasaysayan. Sa kabila ng pagpapaliwanag na ito ni Monteclaro, hindi nagamit (kung 'di man madalang na nagamit) ang salitang ito bilang katumbas ng kasaysayan.

[baguhin] Bigyang Pansin

Ang tanyag na istoryador na si William Henry Scott ay gumawa ng isang malalimang pagsusuri sa orihinal na sipi ng aklat ng Maragtas at napag-alamang ito ay isa lamang haka-haka at gawa ng isang Guillermo Santiago-Cuino na siyang nagtipon ng mga nakalap na alamat at kwento ni Monteclaro sa Panay. Ito ay nilimbag noong 1938.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.