Kategorya:Mito sa Kasaysayan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Paliwanag

Ang Kasaysayan ng Pilipinas ay balot ng mga alamat at mito na naging pundasyon upang higit na maunawaan ng mga katutubo ang kanilang kasaysayan. Binubuo ito ng mga tradisyong pasalita - mga kuwento, kaisipan at ideolohiya - na ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Ngunit hindi lahat ng nakalap na salaysay patungkol sa kasaysayan ay maituturing na makatuwiran o may sapat na patunay; ang ilan sa mga ito ay pawang mga huwad o peke.

Nilalaman ng kategoryang ito ang mga alamat, mito at dokumento na, batay sa ginawang pagsusuri ng mga dalubhasa at istoryador, ay hindi naaayong maging basehan ng kasaysayan ng Pilipinas, o ng ilang kapuluan nito. Ngunit sa kabila ng pagtanggi ng mga istoryador sa mga mito na ito, nananatili pa rin ang mga ito na bahagi ng buhay, kultura at ilang kapistahan sa Pilipinas.

Mga pahina sa kategoryang "Mito sa Kasaysayan"

Ang sumusunod na 4 pahina ay nasa kategoryang ito, mula sa kabuuan na 4.