Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ikatlong Republika ng Pilipinas, refer sa kasaysayan/gobyerno ng Pilipinas mula 4 Hulyo 1946 hanggang 21 Setyembre 1972 (Ang pinakamatagal na republika nowadays, kung saan tumagal ng 26 years, hindi gaya ng kasalukuyang republika--ang ikalimang republika na 20 years palang ngayon) na nagsimula sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, which is, ang patagong pagdedeklara ng Martial Law. Sa lahat ng naging republika before, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito'y official recognized ng maraming foreign countries. Although ang kay Aguinaldo, which is ang unang republika, ay independent, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Laurel (ang ikalawang republika) na nirecognized lamang ng Japan at ng Axis Power (Germany at Italy), pero hindi ng Western Allied Forces at ng Neutral Nations.

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay base sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Commonweatlh ng Pilipinas (1935-1946). Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent assimilation" which is specially designed ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang kolonya patungong malakolonya. Itinadhana ang orihinal 1935 Saligang Batas para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan at nirebisa ito noong 1940 para bigyang-daan ang kongresong may dalawang kapulungan: Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (Kamara de Representantes) at para baguhin din ang termino ng presidente. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino, ngunit isang Pagpupulong ng Saligang Batas (Constitutional Convention) ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang 1935 Saligang Batas, na gaya nang nasabi, siyang naging katapusan ng Ikatlong Republika. Sa kabilang banda naman, isa pa sa pinakamalaking bagay na nagpabago sa 1935 Saligang Batas ay ang pasasalaksak ng tinatawag na "American Parity Rigths" na nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang laan lamang sa mga Pilipino, laluna sa pagnenegosyo at paglilinang ng yamang-likas ng bansa. Ito daw and pagtulong ng mga Amerikano sa Pilipino, ngunit, ito'y may string attached, kaya, for many years, ang Amerikano (at ang ang Tshino) ang humaway ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga Amerikano ang may-ari ng karamihang kumpanya gaya ng electric company, telephone company, mining company and many more, kaya ang Pilipino ay nagtratrabaho para sa boss nilang Amerikano.

All in all, ang panahong ito'y hinati ng author base na rin sa administrasyon ng bawat presidente na naglingkod sa republikang ito.

Manuel Roxas (1946-1948). Bago pa man din siyang maging unang presidente ng Ikatlong Republika, siya ang naging huling presidente ng Commonwealth. Isang stateman ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayo ng economy ng isang war-born country. Kanyang ipinatupad ang ibang top priorities ng kanyang admistrasyon gaya ng: ang industrialzation ng Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya'y isang public knowledge na siya'y isang "Pro-American"), ang maintenance ng batas at order at ang pagpasa sa kongreso ng batas na magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa landlord). Ngunit noong gabi ng 16 Abril 1948, si Roxas ay namatay sa isang atake sa puso sa Clark Field, Pampanga matapos magbigay ng speech sa mga American servicemen at tagasuportang Pilipino.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Roxas: Population 19.23 million (1948), GDP Php 85,269 million (1947), GDP Growth Rate: 39.5 % (1946-47 average), Income Per Capita: Php 4,434 (1947) , Total Exports: Php 24,824 million (1947), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

Elpidio Quirino (1948-1953). Ang bise presidente ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na si Quirino ang siyang pumalit matapos ang kanyang pagpanaw. Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo noong 1949 eleksyon. Sa kanyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomya & ang restoration ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Kinaharap ng administrasyong niya ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon, a red commnunist). Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk at bilang pangulo, si Qurino mga nagawa na sa kanya nakakredit: Una, ang paglikha ng PACSA (President's Action Committee on Social Amelioration), na layuning tulungan ang masa mula sa pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay ang paglikha ng ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na maka-avail ng pautang na may mababang interes mula sa gobyeno at huli ay ang pagtayo ng mga bankong rural at Labor Management Advisory Board, isang isang presidential advisory body. Ang administrasyon niya ay nagtagumpay sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa. Kasama nang kanyang statemanship, kanyang napahanga ang ilang mga head of state at foreign diplomatic corps at sa kanyang official trip abroad, siya ang ambassador ng mabutin pakikisama at pakikipagkaibigan. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Quirino: Population 19.23 million (1948), GDP Php 99,628 million (1948);146,070 million (1953), GDP Growth Rate: 9.43 %, 1948-53 average, Income Per Capita: P5,180 (1948); P7,596 (1953), Total Exports: P35,821 million (1948); P34,432 million (1953), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

Ramon Magsaysay (1953-1957). Si Magsaysay ang secretary ng National Defense sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kanyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kanyang pagiging sikat. Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang pag-iimprove ng standard living sa pamamagitan ng panggawa ng mga irrigation system, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng pagamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty Organization), isang regional politico-military aggregation, noong 18 Setyembre 1954; negosasyon sa Japan ukol sa war reparation agreement kung saan ay huling nilagdaan sa Manila (ang bansang Japan ay magbabayad ng war reparation fee na nagkakahalaga ng $ 300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang San Francisco Treaty, kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Japan at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang plane crash na bumangga sa isang bundok ng Manunggal, Cebu noong 17 Marso 1957.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Magsaysay: Population 21.4 million (1954), GDP Php 157,054 million (1954) Php 179,739 million (1956), GDP Growth Rate: 7.13 % (1954-56 average), Income Per Capita: Php 7,339 (1954); Php 8,073 (1956), Total Exports: Php 36,462 million (1954) Php 34,727 million (1956), Unemployment Rate: 11.2 % (1956), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

Carlos Garcia (1957-1961). Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang bise-presidente na si Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na presidente ng Ikatlong Republika. Tinapos niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos. Ang bise presidente niyang si Diosdado Macapagal ng Partido Liberal at siyang naging unang pagkakataon na may magkaibang partidong presidente at bise-presidente, ngunit ganoon pa man, kanyang nakamit ang mga sumusunod: ang pinalaganap ang konsepto ng "Filipino Muna" (First Filipino Policy) para mataguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamgitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa abroad; pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang eleksyon; ang paggawa ng Dr. Jose P. Rizal Centennial Commission at ang pagtataguyod ng international peace and harmony through official visits. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo 1971 sa edad na 75.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Garcia: Population: 22.68 million (1957), GDP Php 189,457 million (1957); Php 224,430 million (1961), GDP Growth Rate: 4.54 % (1957-61 average), Income Per Capita: Php 8,353 (1957); Php 7,927 (1961), Total Exports: Php 35,980 million (1957) Php 39,845 million (1961) (1956), Unemployment Rate: 3.8 % (1957); 7.5 % (1961), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 to $1 (1957); Php 2.64 to $1 (1961)

Diosdado Macapagal (1961-65). Kahit siya ay kilala bilang "poor boy" mula sa Lubao, siya ay isang bar topnotcher, isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kanyang pinangako ang "New Era" sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng pambansang lengwage (Filipino) sa mga passport, selyo, traffic signs, pangalan ng bagyo, diploma ng eskuwela at iba pang diplomatic credentials; paglipat ng Independence Day ng Pilipinas sa 12 Hunyo mula 4 Hulyo; pag-fifile ng opisyal na pagaari ng Pilipinas sa Sabah noong 22 Hulyo 1962; ang pagkakalikha ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) Organization na isang pagkakaisang pangekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Humalili din siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971 para sa pagpapabago ng saligang batas. Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati noon 21 Abril 1997 makaraan ang isang taon, ang kanyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinoklamang ikaapat na presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA 2.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Macapagal: Population: 29.2 million (1962), GDP Php 234,828 million (1962)Php 273,769 million (1965), GDP Growth Rate: 5.15 % (1962-65 average), Income Per Capita: Php 8,042 (1962) Php 8,617 (1965), Total Exports: Php 46,177 million (1962); Php 66,216 million (1965), Unemployment Rate: 8.00 % (1962);7.2 % (1965), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 3.80 to $1 (1962)Php 3.90 to $1 (1965)

Ferdinand Marcos (1965-1972) Si Marcos ay isang Senate President mula pa noong 1963 at matagal na panahong naging siyang kasapi ng Partido Liberal. Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1965, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerard Roxas sa isang ‘’landslide victory’’ na dala-dala ang slogan na "This nation can be great again." Sa kanyang pagsisilbi bilang pangulo sa unang termino, siya ang pinakamaraming nagawang kalsada, tulay, eskuwela, gusali ng gobyerno, sistemang irigasyon (kasabay ng pag-papakilala ng "Miracle Rice"), at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa gaya ng San Juanico Bridge sa gitna ng Samar at Leyte; ang Pan-Philippine Highway mula Aparri hanggang Jolo; ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center, Folk Arts Center at ang Film Center sa Maynila; at pati na rin ang pagaayos ng Philippine National Railways (PNR). Dagdag pa dito ang pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga magsasaka. ang epektibong pangungulekta ng buwis, ang malawakang pagpapataboy sa mga smuggling, organisadong krimen at ang komuistang "New People's Army" at ang matagumpay na pagdaos ng Manila Summit Conference noong 24-25 Oktubre na dinaluhan ng maraming heads of states. Kaakibat dito at dahil na rin sa dami ng kanyang mga nakamit noong una niyang termino, siya'y naging pangulo muli sa ikalawang pagkakataon, iyon ang unang pagkakataon sa Pilipinas na ma-reelect ang isang pangulo, at dahil doon, siya'y natala bilang pangulo na may pinakamahabang taon na pinaglingkuran. Ngunit, sa kabila ng kanyang magandang unang termino, ang Pilipinas ay dumadanas ng malubhang krisis na pangekonomiya dahil sa na rin pagtaas ng presyo ng langis sa world market. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang naging sanhi upang ang presyo ng pangunahing bilihin ay tumaas at maraming Pilipino ang nawalang ng trabaho. Ang "floating peso" ay patuloy na bumababa laban sa dolyar. Ang kanyang pangalawang termino ay napuno ng graft and corruption sa gobyerno; ang paglayo pa lalo ng mahirap at mayaman na naging dahilan ng paglaganap ng maraming krimen, kaguluhan at pagbabanta ng komunista. Sa konsensya niya, ang mga bagbabantang ito sa seguridad at istabilidad ng bansa ay namataan ni Marcos na ito'y mapagtuunan ng isang aksyong makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, any tanging paraan para maipanumbalik ang tiwala ng marami sa gobyeno ay ang pagdedeklara ng Batas Militar. Katulong nito, sinabing ang pagligtas ng estado ay ang kanyang dahilan, si Marcos ay nagpahayag ng Proclamation No. 1081 noong 21 Setyembre 1972, at nalagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng Martial Law, na siyang pumatay sa demorkasya at sa Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga Vital Signs ng Pilipinas noong panahon ni Marcos: Population: 36.68 million (1970), 37.90 million (1972); GDP Php 285,886 million (1966), Php 361,791 million (1971), GDP Growth Rate: 4.75 % (1966-71 average); Income Per Capita: Php 8,932 (1967) Php 9,546, (1971), P 9,802 (1972); Total Exports: Php 70,254 million (1966), Php 63,626 million (1971), P71,572 million (1972); Unemployment Rate: 7.10 %, (1966), 5.20 % (1971), 6.30 % (1972); at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: P3.9 to $1(1966); P6.44 to $1 (1971), Php 6.3 to $1 (1972).

Bago matapos, hindi naging madali para sa mga naging presidente ng panahong ito na magbigay ng serbisyo, gaya ng naunang si Roxas at ng nahuling si Marcos na kapwa sumalubong sa matinding krisis ng bansa. Si Roxas na naglingkod matapos ang World War 2 mula sa kalupitan ng Hapon at si Marcos (in his 2nd term) na bumulaga sa malubhang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pagtaas ng presyo ng langis in world market. Bagama't ganoon pa man, alam natin na ang bawat naging presidente ng Ikatlong Republika ay mayroong maganda at di-magandang nagawa, na siyang naisulat sa pahina ng kasaysayan. patakaran ng mga hapones noong world war 2

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972). Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.