Kasaysayan at Pangyayari

Mula Wikifilipino

Lagúsan ng Kasaysayan at Pangyayari
Patuloy na binubuo ng WikiFilipino ang lagúsan ng Kasaysayan at Pangyayari upang maitampok nang malawak, malalim, at makabuluhan ang anumang may kaugnayan sa buhay, bagay, at pangyayari sa Filipinas. Hinati ang bawat paksa sa maliliit na bahagi upang maging gabay sa inyong pagbabasa. Panimula at hindi pangwakas ang balangkas ng nabanggit, kaya asahan ang mabibilis na pagbabago. Sasailalim din sa mahigpit na pagrepaso ng pangkat ng mga editor ang nilalaman ng balangkas nang makamit ang mataas na pamantayan. Maaari ninyong paunlarin pa ang balangkas, habang isinasaalang-alang ang nilalaman, anyo, daloy, at paraan ng pagkakasulat ng bawat akda. Inaasahan ang inyong pakikilahok upang mapaganda ang lagúsang ito at maihatid sa buong mundo ang husay ng Filipino.

Makiisa at lumahok sa pagpapaunlad ng nilalaman ng kategoryang ito. Gamitin natin ang WikiFilipino sa ikatatagumpay ng mga Filipino sa buong mundo.

Tampok na Larawan
Nagmula sa iisang tabas ang mga salitang “barangay” at “balangay” na pawang tumutukoy sa malalaking uri ng bangka, o kaya'y sa pinakamaliit na sistemang pampolitika ng isang bayan, kung babalikan ang etimolohiya ng dalawang salita. Ito ang nabatid ni Scott, habang pinag-aaralan ang salimuot ng salita at katutubong konseptong taglay nito. Ang kauna-unahang banggit sa balangay ay matatagpuan sa talâ ni Antonio Pigafetta sa kaniyang Primo viaggio intorno al mondo (Unang paglilibot sa buong daigdig, 1524). Ikinuwento ni Pigafetta na isinama siya ng hari ng Mazaua (o mas kilala bilang Limasawa)—sampu ng mga kasama nitong pinuno—upang ipakita ang mga bundok at lambak na hitik sa ginto sa pulong sakop ng Butuan at Calaghan. Napagod umano si Pigafeta sa maghapong paglilibot, at nang pabalik na ito sa kaniyang galeon ay inihatid siya ng hari sa pamamagitan ng balangay...may karugtong.


Teorya ukol sa Bansa

Labi at Kagamitan

Panahon ng Espanyol

Ekonomiya

Makasaysayang Tao

Relihiyon

Makasaysayang Pook

Pre-Kolonyal na Kaayusan

Ugnayang Panlabas

Digmaan

EspanyolBritishAmerikanoHaponesTsino

Heograpiya

Mga Lagúsan

Buhay at Sining

Lakbay-Bayan

Kasaysayan at Pangyayari

Agham at Kalusugan

Aliwan

Isports



BALANGKAS NG KASAYSAYAN AT PANGYAYARI [ipakita ang detalye]
Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
Proyekto Vibal Foundation
 Taguyod