Kasalang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas
Mula Wikifilipino
Para sa nakararami ang kasalang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ay tanda ng pagiging maimpluwensya at kataasan ng estado ng kabuhayan ng dalawa. Si Yilmaz na isang matipunong milyonaryo, ay ikinasal kay Ruffa. Sino nga bang hindi nanaising mapunta sa lugar ni Ruffa?
Unang nagkatagpo ang dalawa habang nagtatrabaho para sa isang kompanya ng telibisyon si Ruffa upang ihatid ang kaganapan sa prestisyosong Cannes Film Festival noong Mayo 11, 2000, ayon kay Ruffa. Matapos ng dalawang taon, ang dalawa ay ikinasal sa isang grandiyosong seremonyong ginanap sa NBC Tent sa Lungsod ng Taguig noong 2003.
Dahil sa kanilang pag-iisang dibdib, pansamantalang natigil ang pag-aartista ni Ruffa na tumungong Istanbul upang unahing tugunan ang kanyang responsibilidad sa kanyang asawa. Sa kanilang pagsasama, hindi ikinaila ni Ruffa ang pagiging seloso ng kanyang mister tuwing siya ay kakapanayamin, bagkus na makasama, patuloy pa rin ang pagtingin ng mga tao sa kanilang pagsasama bilang masaya at marangyang.
Ngunit paglipas ng ilang taon, sa kinasamaang palad ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Ruffa at Yilmaz. Nagbunsad pa ito sa pagpapalitan ng di magagandang salita ng dalawa na naging ugat upang malaman ng mga tao ang mga bagay na hindi nila ipinapakita.
Sa kasalukuyan, may kanya-kanya ng buhay ang dalawa. Si Ruffa ay muling ibinuhay ang kanyang pag-aartista at si Yilmaz ay ipinagpatuloy ang naturang buhay niya sa Turkey bilang isang negosyante. Kamakailan lamang, muling naglabas ng detalye si Yilmaz sa isang panayam sa ABS-CBN kung saan isiniwalat niya na may naiwang legal na kaso pa si Ruffa sa Istanbul. Ngunit pagkatapos ng pahayag na ito, hindi na nadugtungan pa ng mga sumunod na pangyayari ang isyung ito.
Sanggunian
- Ruffa and Yilmaz to file for annulment (hinango noong Hunyo 26, 2008)
- Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas Wedding (hinango noong Hunyo 26, 2008)
Panloob na Kawing
Pagkilala
| Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |








