Karaniwang Sakit sa Tag-araw

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sa pagdating ng tag-araw ay kasabay ang pagdagsa ng ibat ibang uri ng pagkakasakit kaya’t mahigpit na ipinapayo ang kinakaukulang pag-iingat. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan at ng kapaligiran, pagkain ng balanse, sapat na tulog at pahinga ay ilan lamang sa mahahalagang sangkap upang makatiyak ng isang malusog na pangangatawan.

Mga nilalaman

Mga Uri ng Sakit

  • Pagkasunog ng balat sa araw - Ang pagkasunog ng balat sa araw ay nangyayari kapag direktang nabilad sa init ng araw sa loob lamang ng dalawampung minuto. Maaaring maprotektahan ng sunscreen ang balat pansumandali, subalit ipinapayo ang muling pagpapahid nito matapos na lumangoy o maligo.
  • Sore eyes – Pamamaga o pamumula ng manipis na pantakip sa bola ng mata dahil sa viral infection na nakakahawa. Kumakalat ito kapag nagkaroon ng direktang kontak ng kontamindaong mga kamay tungo sa mga mata
  • Tigdas (Rubella )- Impeksyon na sanhi ng pagkakaroon ng mala-rosas at mapulang pantal-pantal na gumigitaw sa mukha at kinalaunan ay sa buong katawan.
  • Bulutong-tubig (chickenpox)- Sanhi ng “varicella” virus. Nakakahawa bago at matapos na lumabas sa katawan . Kusang nawawala sa lob ng isa hanggang dalawang Linggo kahit hindi gamutin.
  • Dengue - Isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue. Ang paggamit ng gamot na may acetylsalicylic acid tulad ng aspirin at mga non steroidal anti-inflammatory drugs tulad ng Ibuprofen ay hindi nirerekomandang inumin ng mga taong may Dengue.
  • Allergy - Iniuugnay sa iba't ibang reaksiyon ng mga sangkap, gaya ng semilyang pulbos sa bulaklak (pollen), balahibo ng pusa, o ng iba pang sangkap na ipinapalagay ng katawan na hindi nito kilala. Sinasabi rin na ang allergies ay ang bunga ng hypersensitive immune system. Ang mga taong may allergy ay hypersensitive sa ilan sa mga elemento na ang karamihan naman ay hindi apektado at ipinapalagay na ang mga ito ay hindi makasasama.

Sanggunian

  • [1] (hinango noong Pebrero 11, 2009)
  • [2] (hinango noong Pebrero 11, 2009)

Tingnan rin

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.