Kapitan Tiago

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago ay isang kathang-isip na tauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal – ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang asawa ni Doña Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara

Mga nilalaman

[baguhin] Sa Noli Me Tangere

Si Kapitan Tiago ay isang tanyag na mangangalakal sa Binondo. Siya ay may hitsurang Tsinong mestiso--hindi masyadong matangkad, maliwanag ang kulay ng balat, bilugin ang katawan, singkit ang mata, at may maitim na buhok. Ipinagpapalagay na siya ang pinakamayamang kapitan at isa sa mga pangulong haciendero sa buong Binondo dahil sa kanyang malawak na hacienda sa lalawigan ng Laguna at Pampanga. <ref name="noli">Noli me Tangere binisita noong: 30 Mayo 2011</ref>

Dahil sa kanyang katanyagan, iginagalang siya sa tuwing bumibisita sa bayan ng San Diego, ang pangunahing tagpuan sa nobela. Malimit siyang salubungin ng tugtugin, pinipiging, at hinahandugan ng mga alaala ngunit lihim siyang pinagtatawanan ng marami at madalas siyang tinatawag sa likod na sakristang Tiago. <ref name="nmt">Jose Rizal, Noli me Tangere, isinatagalog ni Pedro Gatmaitan (Manila: P.Sayo Bookstore, 1948) p 56, hinango noong: 31 Mayo 2011</ref>

Bukas ang kanyang pinto sa kanino man maliban lamang sa pangangalakal at mga lubhang mapangahas na layunin. Kasundo niya ang lahat ng mga pinuno, matalino, magaling makibagay, at may pagkapangahas. Siya ang tanging pinanganganibang kaagaw ng mga Perez tungkol sa mga arriendo at mga subasta ng mga pangangatungkulang sa tuwina'y ipinagkakatiwala ng Gobierno ng Pilipinas. Karagdagan pa, siya ang nagmonopolyo sa mga opyum sa lugar at nagpakain sa mga preso sa Bilibid. <ref name="prince">Mga Tauhan sa Noli me Tangere binisita noong: 30 Mayo 2011</ref>

[baguhin] Sa El Filibusterismo

Dahil sa pangungulila niya sa “anak” na si Maria Clara, na pumasok sa isang kumbento, kinupkop niya si Basilio at pinag-aral siya hanggang kolehiyo.Nais niyang kumuha si Basilio ng kursong medisina upang makagawa ng lason na ilalagay sa tari ng kanyang tandang sa tuwing siya ay sasabak sa sabong. Nang naglaon ay nalulong si Kapitan Tiago sa paghihithit sa apyan. Ginamot siya ni Basilio ngunit tuluyang nanghina at namatay sa huling bahagi ng nobela.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.