Kalabaw

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Itinuturing na Pambansang Hayop ng Pilipinas, ang Kalabaw (Bubalus bubalis) ay ang matalik na kaibigan ng magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring magandang pinagkukunan ng gatas at karne. Anuwang ang katawagan nito sa lumang Tagalog at Nuwang naman sa mga Ilokano.

Sa kasalukuyan, may 3.2 milyong kalabaw na matatagpuan sa Pilipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Lugar na pinaninirahan

Nakatira ang kalabaw sa mabasa at madamong kapaligiran. Bagaman na isang hayop na pang-lupa, ang kakulangan nito sa sweat glands ay isang dahilan upang ito ay kumunsumo ng madaming tubig sa pamamagitan ng pag-inom at paglublob sa tubig.

Madaling mapagod ang kalabaw kapag nasa ilalim ng init ng araw kaya naman, ito ay kadalasang pinaliliguan ng may-ari sa ilog o kaya naman ay hinahayaan itong magpalamig sa putikan.

[baguhin] Katangian

Ang kalabaw ay isang malaking hayop na may kurbadong sungay at nakabukakang mga paa. Maaaring wala o konti lamang ang buhok nito sa katawan at ang kulay nito ay alin man sa kulay kape, abo o itim.

Kumakain ito ng damo, dahon at iba pang mga gulay. Ito rin ay maaaring kumain ng darak at pulot na may halong tubig. Karaniwang nabubuhay ang isang kalabaw sa loob ng 25 taon.

[baguhin] Mga Katawagan

Maaaring malaman ang edad, kasarian at pertilidad ng isang kalabaw, ayon sa iba't ibang katawagan dito.

  • Bulo (Calf) – bagong silang na kalabaw
  • Dumalaga (Heifer) – babaeng kalabaw na may edad na tatlong taon o higit pa
  • Nanganay – babaeng kalabaw na may edad na apat o anim na taon at mayroon nang isang bulo
  • Inahin – babaeng kalabaw na maaaring palahian
  • Matsara – babaeng kalabaw na may edad na 10 taon o higit pa at hindi pa nanganganak
  • Bagong taito – lalaking kalabaw na may edad na tatlong taon o higit pa
  • Bulugan – matandang kalabaw

[baguhin] Selebrasyon

Sa taunang pagdiriwang ng Flores de Mayo sa Pulilan, Bulakan, sa paggunita nila sa kapistahan ni San Labrador, ipinagdiriwang nila ang Pista ng Kalabaw kung saan ang mga kalabaw ay inaayusan ng mga magsasaka at ipinaparada sa mga bayan.

Sa Pavia, Iloilo naman, sa buwan ng Mayo, nagdiriwang sila ng isang selebrasyon, kabilang dito ang karera ng mga kalabaw kung saan ang bawat kalabaw ay may hihilaing carrosa sa isang 40 metro na ruta.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.