Kagawaran ng Turismo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sagisag ng Kagawaran ng Turismo


Ang Kagawaran ng Tursimo o Department of Tourism (DOT) sa Ingles ay ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may mandatong manghikayat, isulong at palaguin ang turismo bilang pangunahing sosyo-ekonomikong gawain para magkaroon ng pananalapi mula at paggawa sa ibang bansa, at palaganapin ang benepisyo ng turismo sa kapwa pribado at publikong sektor.


Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Taong 1952 nang itatag ang Philippine Tourist and Travel Association (PTTA) sa bisa ng Batas Republika Bilang 710 na may layong isulong ang pagiging isang destinasyong lakbayin ng Pilipinas. Makalipas ang apat na taon, binuo ang Board of Travel and Tourist Industry upang magsilbing tagagawa ng mga polisiya para sa paglakbay at turismo sa ilalim ng Kagawaran ng Komersyo at Industriya.

Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 189, binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kagawaran ng Turismo, kaagapay ang Philippine Tourism Authority (PTA) bilang tagapagpaganap ng mga programa sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura.

Upang mas maging malinaw ang mandato, muling inorganisa ang DOT noong 1987 sa bisa ng Executive Order No. 120 na inilabas ni Pangulong Corazon Aquino.

Noong 1998, isa sa mga nangunang tanggapan ng pamahalaan ang DOT para idaos ang ika-isandaang taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula sa Espanya. Sa panunungkulan ni Richard Gordon, isa sa mga naging matagumpay na proyekto ng kagawaran ang programang Visit Philippines 2003.


[baguhin] Mga Gawain at Tungkulin

[baguhin] Pananaw

Layunin ng Kagawaran ng Turismo ang magkaroon ng mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga desitnasyong lakbayin, gumawa ng mas dekalidad ang mas murang mga produktong panturismo, palaganapin ang isang kultura ng turismo sa mga mamamayang lokal, at palakihin ang pagkilala sa turismo bilang isang mabisang kasangkapan para sa sosyo-ekonomikong pagpapaunlad ng Pilipinas.


[baguhin] Misyon

Nakaatas sa Kagawaran ng Turismo ang magkaroon ng pananalapi mula at paggawa sa ibang bansa, at palaganapin ang benepisyo ng turismo sa mas malawak na bahagi ng populasyon nang may suporta, tulong at kooperasyon ng kapwa pribado at publikong sektor; at tiyakin ang ligtas, maginhawa, at kasiya-siyang pamamalagi at paglalakbay ng mga dayuhan at maging ng mga kapwa Pilipino sa Pilipinas.


[baguhin] Mga Sektor

  • Office of the Secretary
  • Tourism Promotions Sector
  • Tourism Services and Regional Offices Sector
  • Planning, Product Development and Coordination Sector
  • Internal Services Sector

[baguhin] Mga Ahensya

[baguhin] Mga Proyekto


[baguhin] It's More Fun in the Philippines

Noong Enero 2012, inilunsad ng kagawaran ang bagong islogan na magiging boses ng bagong kampaya sa turismo ng Pilipinas. Ayon kay Kalihim Ramon Jimenez, Jr. sinasagot ng islogan ang napakahalagang tanong: “Bakit ang Pilipinas?”

Maaaring panoorin ang promosyong ginawa ng islogang ito rito.


[baguhin] Mga Kalihim ng Turismo


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.