Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Sagisag ng Kagawaran ng Transoportasyon at Komunikasyon


Ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon o Department of Transportation and Communication (DOTC) ay ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsible sa pagplano, magbuo ng mga programa, makipag-ugnayan, at isagawa ang mga polisiya para sa pagpalaganap, pag-unlad at pagpapanatili ng isang maasahan at malawak na network ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.


Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Nagsimula ang kasaysayan ng kagawaran mula pa sa pagbubuo ng unang Konseho ng Pamahalaan ng Unang Republika ng Pilipinas. Noong 1899, itinalaga si Gracio Gonzaga bilang Kalihim ng Kagalingang Bayan na binubuo ng serbisyo ng transportasyon at komunikasyon. Nang maging pangulo si Pedro Paterno, naging Communicaciones y Obras Publicas (Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon) ang kagawaran, at pinamunuan ni Maximo Paterno bilang kalihim.

Noong 1902, binuo ng Komisyon ng Pilipinas ang Kagawaran ng Komersyo at Pulisya. Kasama rito ang Kagawaran ng Komersyo at Komunikasyon sa ilalim ng Reorganization Act No. 2666 ng 1916.

Mula 1917 hanggang 1922, naglingkod ang gobernador ng Cebu na si Dionisio Jakosalem bilang kalihim at ipinatupad ang mga pagpapagawa ng kalsada at pampublikong gusali, siyang nag-ugnay sa timog at hilagang bahagi ng lalawigan.

Naging Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon ang Kagawaran ng Komersyo at Komunikasyon noong 1931 nang ipasa ang Batas Bilang 4007, na kulang sa tamang komposisyon at gawain hanggang sa muling pagreorganisa rito noong 15 Nobyembre 1935 kasabay ng inagurasyon ng Pamahalaang Komonwelt. Binubuo noon ang kagawaran ng Pangasiwaan sa Pagawaing Bayan, Daungan, Aeronautics, Coast and Geodetic Survey, Metropolitan Water District Division ng Marine, Railway at Repair Shop, National Radio Broadcasting, Irrigation Council at Board of Examiners para sa inhinyerong sivil, mekanical, kemical at pagmimina.

Muling inayos ni Pangulong Manuel Quezon ang gabinete at kagawaran noong panahon ng pananakop ng Hapon, at ginawa itong Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, Pagawaing Bayan, Komunikasyon at Paggawa.

Nang itinatag ang Philippine Executive Commission noong 1942, itinalaga ni Pangulong Jose P. Laurel si Quintin Paredes bilang Ministro ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling itinaguyod ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon sa bisa ng Executive Order Bilang 27.

Taong 1947 nang mapasailalim ng pamamahala ng kagawaran ang Motor Vehicles Office at noong 1954, naging Kagawaran ng Pagawaing Bayan, Transportasyon at Komunikasyon ang departamento sa bisa ng Executive Order No. 392.

Nang ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong 21 Setyembre 1972, ipinatupad ng pamahalaan ang Integrated Reorganization Plan No.1, na naglagay ng lahat ng gawaing pang-imprastraktura sa Kagawaran ng Pagawaing Bayan, Transportasyon at Komunikasyon (Department of Public Works, Transportation and Communication o DPWTC).

Sa bisa ng Kautusang Administratibo Bilang 2, pinalawak ang Kawanihan ng Lansangang Bayan at naging Kagawaran ng Lansangang Bayan noong 1 Hulyo 1974. Matapos ang limang taon, hinati ang DPWTC o MPWTC sa dalawa—ang Pangasiwaan ng Pagawaing Bayan at Pangasiwaan ng Transportasyon at Komunikasyon (Ministry of Transportation and Communication o MOTC).

Taong 1987 nang ire-organisa ang MOTC at ginawang Kagawaran sa bisa ng Executive Order No. 125 and 125-A.

Noong 12 Enero 2004, binuo ang Commission on Information and Communications Technology (CICT) sa bisa ng Executive Order No. 269, na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sumasailalim dito ang National Computer Center (NCC), Telecommunications Office (TELOF), at iba pang operasyon ng DOTC na may kinalaman sa komunikasyon.


[baguhin] Mga Gawain at Tungkulin

Mandato ng kagawaran ang magplano, magbuo ng mga programa, makipag-ugnayan, at isagawa ang mga polisiya para sa pagpalaganap, pag-unlad at pagpapanatili ng isang maasahan at malawak na network ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.

Tungkulin din ng kagawaran ang pagpapaunlad at pagsasagawa ng mabisa at ligtas na imprastraktura sa transportasyon at komunikasyon. Sakop ng DOTC ang mga industriya ng kalsada, riles, patubig, komunikasyon at paliparan, tinitiyak ang mabisang mga imprastrakturang pangtransportasyon at komunikasyon para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.


[baguhin] Mga naging Kalihim ng Kagawaran

(*) Pansamantala

# Pangalan Simula ng Termino Wakas ng Termino Pangulo
Ministro ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon
1 Maximo Paterno 1899 1899 Emilio Aguinaldo
Kalihim ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon
2 Antonio de las Alas 1935 1936 Manuel Quezon
3 Mariano Jesus Cuenco 1936 1939
4 Jose Avelino 1939 1941
Kalihim ngTanggulang Pambansa, Pagawaing Bayan, Komunikasyon at Paggawa
5 Basilio Valdes 1941 1944 Manuel Quezon
Kalihim ng Pagawaing Bayan at Komunikasyon
6 Jose Paez 1944 1945 Sergio Osmena
7 Sotero Cabahug 1945 1946
8 Ricardo Nepumoceno 1946 1949 Manuel Roxas
Sergio Osmena
9 Propsero Sanidad 1949 1951
10 Sotero Baluyot 1951 1952
11 Pablo Lorenzo 1952 1953
Kalihim ng Pagawaing Bayan, Transportasyon at Komunikasyon
12 Vicente Orosa 1954 1955 Ramon Magsaysay
13 Florencio Moreno 1955 1961
Carlos P. Garcia
14 Marciano Bautista 1961 1962 Diosdado Macapagal
15 Paulino Cases 1962 1962
16 Brigido Valenica 1962 1963
17 Jorge Abad 1963 1965
18 Antonio Raquiza 1966 1968 Ferdinand Marcos
19 Rene Espina 1968 1969
20 Antonio Syquio 1969 1970
21 David Consunji 1970 1975
22 Alfredo Juinio 1975 1978
Ministro ngPagawaing Bayan, Transportasyon at Komunikasyon
Alfredo Juinio 1978 1981 Ferdinand Marcos
Ministro ng Transportasyon at Komunikasyon
23 Jose P. Dans 1981 1986 Ferdinand Marcos
Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon
24 Hernando B. Perez 1986 1987 Corazon Aquino
25 Rainerio O. Reyes 1987 1989
26 Oscar Orbos 1990 1992
27 Arturo Corona 1990 1992
28 Pete Nicomedes Prado 1992 1992
29 Jesus B. Garcia Hulyo 1992 Marso 1996 Fidel Ramos
30 Amado S. Lagdameo Abril 1996 Abril 1997
31 Arturo T. Enrile April 1997 Enero 1998
32 Josefina Trinidad-Luchauco Enero 1998 2001
33 Vicente C. Rivera 1998 2001 Joseph Estrada
34 Pantaleon D. Alvarez 2001 2002 Gloria Macapagal Arroyo
35 Leandro M. Mendoza 2002 2010
36 Anneli Lontoc 2010 Hunyo 30, 2010
37 Jose De Jesus June 30, 2010 July 4, 2011 Benigno Aquino III
38 Manuel Roxas II Hulyo 4, 2011 Agosto 31, 2012
39 Joseph Emilio Abaya Agosto 31, 2012 Kasalukuyan


[baguhin] Mga Pangasiwaan

[baguhin] Sectoral Offices

[baguhin] Project Management Office

  • Metro Rail Transit (MRT)

[baguhin] Mga Kawanihan


[baguhin] Mga Kasalukuyang Proyekto

Sa kanyang panunungkulan, tiniyak ni Joseph Emilio Abaya na kanyang isasama ang night-rating ng maraming paliparan sa Pilipinas para suportahan ang lumalagong industriya ng turismo.

Narito pa ang ilan sa mga proyekto ng kagawaran:


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Panlabas na Kawing


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.