Kagawaran ng Repormang Pansakahan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sagisag ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan


Ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan o Department of Agrarian Reform (DAR) ay ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa lahat ng programang may kinalaman sa reporma sa lupa sa bansa, na may layong palaganapin ang hustisyang panlipunan at industriyalisasyon.


Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Nagsimula ang reporma sa lupa sa Pilipinas noong 1963 nang kinailangang buuin ang Land Authority alinsunod sa Seksyon 49 ng Batas Republika 3844. Isinaayos ang mga ahensyang may kinalaman sa reporma sa lupa at isinunod sa mga tungkulin at gawain para sa pagkakaroon ng isang layunin para sa programa sa reporma sa lupa.

Noong 10 Setyembre 1971, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Republika 6389 o Code of Agrarian Reform of the Philippines, para maging isang ganap na batas. Mandato ng Seksyon 49 nito ang pagkakaroon ng Land Authority. Noong 1978, sa ilalim ng parliamentaryong uri ng pamahalaan, pinangalanan ang DAR bilang Ministeryo ng Reporma sa Lupa.

Isinabatas naman noong 1988 ang Batas Republika Bilang 6657, o ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL), at naging ligal na batayan sa pagpapatupad ng Komprehensibong Programa sa Reporma sa Lupa (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na naglalayong ipatupad ang hustisyang panlipunan at industriyalisasyon. Nilagdaan naman ni Pangulong Corazon Aquino ang mga mekanismo sa pagpapatupad nito noong Hunyo 10.

Noong 27 Setyembre 2004, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Executive Order No. 364 na nagbigay-daan sa pagpapangalan sa kagawaran bilang Kagawaran ng Reporma sa Lupa at isinailalim ito sa pamamalakad ng Philippine Commission on Urban Poor (PCUP). Naging tungkulin ng kagawaran ang pagkilala sa pagmamay-ari ng mga teritoryong pamana ng mga katutubo, alinsunod na rin sa layunin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Noong 23 Agosto 2005, nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang Executive Order No. 456 at ibiinalik ang dating pangalan nitong Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa kadahilanang mas malawak pa ang sakop nito kaysa sa mga reporma sa lupa.


[baguhin] Mga Kalihim ng Kagawaran

Nagsimula Nagtapos Pangalan
Mga Gobernador ng Land Authority
Agosto 1936 Oktubre 1963 Sixto K. Roxas
Nobyembre 1963 Hulyo 1964 Rodrigo D. Perez, Jr.
Hulyo 1964 Disyembre 1965 Benjamin M. Gozon
Enero 1966 Hunyo 2, 1978 Condrado F. Estrella
Mga Minister ng Repormang Pansakahan
Hunyo 2, 1978 Marso 30, 1986 Condrado F. Estrella
Mayo 1, 1986 Marso 7, 1987 Heherson T. Alvarez
Mga Kalihim ng Repormang Pansakahan
Hulyo 23, 1987 Hulyo 1, 1989 Philip Ella Juico
Hulyo 20, 1989 Enero 4, 1990 Miriam Defensor-Santiago
Enero 4, 1990 Abril 5, 1990 Florencio B. Abad
Abril 6, 1990 Hunyo 30, 1992 Benjamin T. Leong
Hunyo 30, 1992 Hunyo 30, 1998 Ernesto D. Garilao
Hulyo 1, 1998 Pebrero 11, 2001 Horacio R. Morales
Pebrero 12, 2001 Enero 15, 2003 Hernani A. Braganza
Enero 20, 2003 Enero 20, 2004 Roberto M. Pagdanganan
Pebrero 20, 2004 Agosto 24, 2004 Jose Mari B. Ponce
(Officer-In-Charge)
Agosto 26, 2004 Setyembre 27, 2004 Rene C. Villa
Mga Kalihim ng Reporma sa Lupa
Setyembre 27, 2004 Hulyo 8, 2005 Rene C. Villa
Hulyo 8, 2005 Agosto 23, 2005 Nasser C. Pagdanganan
(Officer-In-Charge)
Mga Kalihim ng Repormang Pansakahan
Agosto 23, 2005 Kasalukuyan Nasser C. Pagdanganan
(Acting Secretary)


[baguhin] Mga Ahensya


[baguhin] Mga Reporma

Sa pagpapatupad ng plataporma ng Administrasyong Pnoy Aquino na “Tuwid na Daan” na naglalayong labanan ang kurapsyon sa mga tanggapan ng pamahalaan, nakatala ang mga detalye ng katayuan ng pondo at mga gastusin ng kagawaran sa kanilang website upang palaganapin ang pagtitiwala.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.