Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Para sa kaugnay na artikulo sa Ingles, tingnan ang Department of Labor and Employment (Philippines).

{{#if: Hon. Marianito D. Roque | {{#if: Carmelita M. Pineda (Internal Affairs and Regional Operations)
Romeo C. Lagman (Labor Relations)
Luzviminda G. Padilla (Employment and Manpower Development)
Arturo L. Sodusta, Jr. (Policy, Program and International Relations)
Lourdes M. Trasmonte (Labor Standards and Social Protection)
| {{#if: DOLE Building - Muralla St. cor. Gen. Luna St., Intramuros 1002 Manila | {{#if: (632) 527 8000 | {{#if: Department of Labor and Employment |
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Logo of the Department of Labor and Employment
Kalihim Hon. Marianito D. Roque

}}

Katuwang na Kalihim Carmelita M. Pineda (Internal Affairs and Regional Operations)
Romeo C. Lagman (Labor Relations)
Luzviminda G. Padilla (Employment and Manpower Development)
Arturo L. Sodusta, Jr. (Policy, Program and International Relations)
Lourdes M. Trasmonte (Labor Standards and Social Protection)

}}

Adres DOLE Building - Muralla St. cor. Gen. Luna St., Intramuros 1002 Manila

}}

Telepono (632) 527 8000

}}

Website Department of Labor and Employment

}}


Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong maglaan ng trabaho, linangin ang likas-pantao, at pangalagaan at itaguyod ang mga karapatan ng mga manggagawa at kapayapaan sa industriya ng paggawa.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Nagsimula ang organisasyon bilang isang maliit na tanggapan noong 1908. Ito ay naging isang tunay na ahensya noong Disyembre 8, 1933 sa bisa ng Act No. 4121 na ipinasa ng Pambansang Kamara.

Tumatayo ang DOLE bilang isang pambansang ahensya na inatasang gumawa ng mga patakaran, maglaan at magpatupad ng mga proyekto at serbisyo para sa Pilipinong manggagawa, at maging tagapagpatupad ng mga polisiya sa aspeto ng paggawa at empleyo ng Sangay Tagapagpaganap.

Bahagi, Tungkulin, at mga Mahahalagang Panukala

Tunguhin at layunin

Layunin ng kagawaran ang pagkakaroon ng produktibo at de-kalidad na trabaho sa bawat manggagawang Pilipino. Inatasan ang ahensya upang itaguyod at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa bilang mga mamamayan at bilang kasapi ng kani-kanilang mga industriya, pagyamanin ang likas-pantao -- at upang makamit ang mga ito, humahalaw ang organisasyon ng mga sumusunod na patakaran:

  • Support for Employment Generation

May mga programa ang DOLE na nagkakaloob ng mga oportunidad sa pribadong sektor bilang suporta at pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa upang sila ay maging mas produktibo, kapaki-pakinabang, at matiwasay na industriya.

Ang mga ahensyang katuwang sa tungkuling ito ay ang:

  1. Institute for Labor Studies (ILS);
  2. Bureau of Local Employment (BLE);
  3. Bureau of Rural Workers (BRW); at
  4. Workers Amelioration and Welfare Divisions (WAWD) na matatagpuan sa kanilang regional offices.
  • Employment Facilitation

Sa programang ito ay naglalaan ang kagawaran ng mga serbisyo ukol sa iba't ibang propesyon ng mga Pilipino -- mapa-lokal o ibayong dagat. Pinakikinabangan rin ng ahensya ang teknolohiya upang mas maging angkop ang pagtutugma ng trabaho sa abilidad ng manggagawa.

Ang mga sangay na nagpapatupad ng programang ito ay ang:

  1. Bureau of Local Employment (BLE)
  2. Employment Promotions Division (EPD) sa iba't ibang sangay ng DOLE, at
  3. Philippine Overseas Employment Asssociation (POEA)
  4. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
  • Employment Preservation

Ipinapalaganap ng DOLE ang pagpapanatili ng kaayusan sa industriya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon at edukasyon, pagsasaayos ng mga di-pagkakaunawaan sa paggawa, pagpapabuti ng labor-management cooperation at pagsusulong ng konsepto ng tatlong-pangkat (tripartism) sa paglikha ng mga desisyon at polisiya upang mapanatili ang trabaho ng mga mamamayan at maitaguyod ang kalidad ng empleyo sa bansa.

Ang mga ahensyang bahagi ng programang ito ay ang:

  1. Bureau of Labor Relations (BLR),
  2. Tripartite Industrial Peace Council Secretariat,
  3. Labor Relations Divisions (LRD) at ang Med-Arbitration Units sa mga sangay-pamprobinsya,
  4. Legal Service (LS),
  5. National Conciliation and Mediation Board (NCMB), at
  6. National Labor Relations Commission (NLRC) at ang kanilang mga sangay.

Mga Bahagi ng Ahensya

  • Opisina ng Kalihim
    • Kalihim: Marianito D. Roque
    • Chief of Staff and Acting Undersecretary (Internal Affairs and Regional Operations Cluster): Carmelita M. Pineda
  • Opisina ng mga Ikalawang Kalihim
    • Ikalawang Kalihim para sa Ugnayang Paggawa: Romeo C. Lagman
    • Ikalawang Kalihim para sa Paglinang ng Empleyado at Lakas-Tao: Luzviminda G. Padilla
    • Ikalawang Kalihim para sa Polisiya at Ugnayang Pandaigdigan: Arturo L. Sodusta Jr.
    • Ikalawang Kalihim para sa Pamantayang Paggawa at Proteksyong Panlipunan: Lourdes M. Trasmonte
  • Opisina ng Assistant Secretary
    • Assistant Secretary for Policy, Program and International Affairs: Rebecca J. Calzado
    • Assistant Secretary - National Reintegration Center: Ma. Teresa Soriano
    • Assistant Secretary for Employment and Manpower Development: Reydeluz D. Conferido
    • Chief of Staff, Office of the Secretary: Joji Aragon

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.