Kagawaran ng Agrikultura

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sagisag ng Kagawaran ng Agrikultura


Ang Kagawaran ng Agrikultura o Department of Agriculture (DA) ay ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa mga bagay na may kinalaman sa sektor ng agrikultura at pagpapatupad ng mga proyekto sa ikauunlad at ikabubuti nito.


Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Kasama ng iba pang tanggapan at ahensya, itinatag ang Kagawaran ng Agrikultura at Paggawa sa Unang Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng proklamasyon ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong 23 Hunyo 1898. Si Jose Alejandrino ang unang naging direktor ng kagawaran.

Noong 1901, itinatag din ang Insular na Kawanihan ng Agrikultura sa ilalim ng pamahalaan ng Amerikano sa bisa ng Batas 271. Gumawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng mga pananim, at pagbutihin ang pangingisda, paggugubat, at mga pasilidad ng minahan sa bansa alinsunod sa kalakaran sa Amerika.

Napalitan ito nang gawing Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman sa bisa ng Batas Bilang 2666.

Nagkaroon ng mga pagbabago sa pangalan ng kagawaran at organisasyon noong panahon ng panunungkulan ni Rafael Alunan, Sr. Ginawa itong Kagawaran ng Agrikultura at Komersyo. Marami ring nabago sa mga kawanihan at dibisyon nito nang hawakan ng iba't ibang kalihim hanggang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar.

Noong 1964, inaprubahan ni Marcos ang Presidential Decree No. 461 na humahati sa Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman sa dalawang kawanihan: ang Kagawaran ng Likas na Yaman at ang Kagawaran ng Agrikultura.


[baguhin] Layunin at Tungkulin

Layunin ng Kagawaran ng Agrikultura na madagdagan ang kita ng mga magsasaka at mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas sa pagpapalawig ng potensyal ng agrikultura para sa ikauunlad ng ekonomiya. Sa pamamagitan ng Pangkalagitnaang Terminong Pagpaplano sa Pagpapaunlad, plano nitong paunlarin ang talawang milyong hektarya ng lupa para gamitin sa negosyong agrikultural para mabawasan ang mga gastusing kinakailangan para madagdagan ang mga produkto, gumawa ng mga mas mabisang hakbang para sa pangangalap ng mapagkukuhanan para sa industriya ng agrikultura, at lubos na maipamahagi ang mga produktong gawa ng negosyong agrikultural.

Nagpapatupad din ang kagawaran ng mga kautusang administratibo at memorandum patungkol sa paggamit at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas.


[baguhin] Mga Kalihim at Pinuno ng Kagawaran

Mula nang itatag, maraming naging kalihim ang Kagawaran ng Agrikultura. Narito ang mga naging pinuno ng kagawaran:

  • Jose Alejandrino (1898-1899)
  • Leon Ma. Guerrero and Graciano Gonzaga (1899)
  • Frank Lamson-Scribner (1902)
  • W.C. Welborn (1904)
  • George E. Nemson (1907)
  • Frederick Taylor (1911-1914)
  • Adriano Hernandez (1914-1917)
  • Galicano Apacible (1917-1921)
  • Rafael Corpuz (1921-1923)
  • Silvestre Apostol (1923-1928)
  • Rafael Alunan, Sr. (1928-1932)
  • Vicente Singson Encarnacion (1933-1934)
  • Mariano Garchitorena (1946-1948)
  • Placido Mapa (1948-1950; 1953)
  • Fernando Lopez (1950-1953)
  • Salvador Araneta (1953 to 1955)
  • Juan Rodriguez (1955-1960)
  • Cesar Fortich (1960-1961)
  • Jose Longsin (1961)
  • Benjamin Gozon (1962-1963)
  • Jose Feliciano (1963-1965)
  • Fernando Lopez (1965-1971)
  • Arturo Tanco (1971-1984)
  • Salvador Escudero III (1984-1986; 1996-Hunyo 1998)
  • Ramon Mitra, Jr. (1986-1987)
  • Carlos Dominguez (1987-1989)
  • Senen Bacani (1989-1992)
  • Roberto Sebastian (1992-1996)
  • William Dar (June 1996-May 1999)
  • Edgardo Angara (Mayo 1999-Enero 2001)
  • Domingo Panganiban (Enero-Pebrero 2001)
  • Leonardo Montemayor (Pebrero 2001-Disyembre 2002)
  • Luis Lorenzo Jr. (Disyembre 2002-Agosto 2004)
  • Arthur Yap (Agosto 2004-Hulyo 2005; Oktubre 2006-Marso 2010)
  • Domingo Panganiban (Hulyo 2005-Oktubre 2006)
  • Bernie Fondevilla (Marso 2010-Hunyo 2012)
  • Proceso Alcala (Hunyo 2012-Kasalukuyan)

[baguhin] Mga Kawanihan

  • Bureau of Agriculture and Fisheries Products Standards
  • Bureau of Animal Industry
  • Bureau of Agricultural Research
  • Bureau of Agricultural Statistics
  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
  • Bureau of Plant Industry
  • Bureau of Post Harvest Research and Extension
  • Bureau of Soils and Water Management


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.