Kabite

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Padron:Infobox Philippine province 2

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Cavite.

Ang Kabite (Kastila: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Cavite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Mga nilalaman

Demograpiya

Populasyon. Ang lalawigan ng Cavite ay may kabuuang populasyon na 2,063,161 base sa 2000 sensus.

Lenguahe. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles

Ekonomiya

Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.

Tatlong SM Malls at dalawang Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Cavite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM supercenter Molino (matatagpuan din sa Bacoor), Robinsons place Imus at Robinsons Place Dasmariñas. Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kumpanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng technologia sa ibang panig ng daigdig.Ang CEPZA ang cavite export processing zone ay isa na dito.gayon pa man ang kaitaasang bahagi ng kavite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape,paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang maynila at karatig lalawigan.kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya,papaya,guyabano,niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang nadaan sa tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng batanggas.

Heograpiya

Ang lalawigan ng Cavite ay nahahati sa 20 munisipalidad at 3 lungsod.

Mga Lungsod

Mga Bayan

  • Kawit
  • Magallanes
  • Maragondon
  • Mendez (Mendez-Nuñez)
  • Naic
  • Noveleta
  • Rosario
  • Silang
  • Tanza
  • Ternate
  • Pisikal

    Lupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.

    Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.

    Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.

    Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tag-tuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo. center

    Pamahalaan

    Mga Gubernador ng Cavite

    • Mariano Trias simula noong Hulyo 15, 1898
    • Emilio Riego De Dios simula noong Agosto 10, 1898
    • Ladislao Diwa simula noong Oktubre 7, 1898
    • Mariano Trias 1901 - 1905
    • Louis J. Van Schaick 1905 - 1907
    • Leonardo R. Osorio 1908 - 1909
    • Tomas Mascardo 1910 - 1912
    • Antero S. Soriano 1912 - 1919
    • Luis O. Ferrer Sr. 1919 - 1921
    • Raymundo C. Jeciel 1922 - 1925
    • Fabian Pugeda 1925 - 1931
    • Pedro F. Espiritu 1931 - 1934
    • Ramon Samonte 1935 - 1940
    • Emilio F. Virata Humaliling Gubernador
    • Luis Y. Ferrer Jr. 1940 - 1944
    • Mariano N. Castañeda 1944
    • Dominador M. Camerino 1944 - 1945
    • Mariano N. Castañeda Humaliling Gubernador
    • Rafael F. Trias 1945
    • Francisco T. Arca 1945
  • Dominador M. Camerino 1946 - 1954
  • Mariano B. Villanueva Humaliling Gubernador
  • Horacio Rodriguez Humaliling Gubernador
  • Dominador Mangubat Humaliling Gubernador
  • Delfin N. Montano 1956 - 1971
  • Lino D. Bocalan 1972
  • Dominador M. Camerino Humaliling Gubernador
  • Juanito R. Remulla Itinalaga Set. 24, 1979
  • Juanito R. Remulla 01-30-1980 hanggang 02-19-1986
  • Fernando C. Campos 1986 - 1987
  • Juanito R. Remulla 1987 - 1992
  • Juanito R. Remulla 1992 - 1995
  • Epimaco A. Velasco 1995 hanggang 01-1998
  • Ramon "Bong" Revilla Jr. Itinalaga 02-1998 hanggang 06-30-1998
  • Ramon "Bong" Revilla Jr. 1998 - 2001
  • Erineo "Ayong" S. Maliksi 2001 - 2004
  • Erineo "Ayong" S. Maliksi 2004 hanggang kasaluyukan
  • Kasaysayan

    Nakita ng mga Kastila ang isang kakaibang anyo ng lupa na nakaharap sa Look ng Maynila at nakita ang kahalagan nito bilang pangunahing daungan ng mga malalaking galyon noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Ang lupa ay anyong Kawit, kaya't tinawag itong Kawit ng mga Tagalog, at naging pinakamahalagang daungan ng mga kolonya mula sa ibayong dagat.

    Dating naging himpilan ng mga bangkang pangkalakal ng mga Instik ang tinatawag ngayong Lungsod ng Cavite na dumating sa pook upang makipagkalakalan sa mga naninirahan na nakapalibot sa Look ng Maynila. Noong 1571, ang mga Kastila ay natagpuan ang daungan at lungsod ng Kabite at pinagtibay ang pagtigil dito upang unang hakbang sa pagtatanggol sa Lungsod ng Maynila. Gumawa ang mga Kastila ng mga galyon sa daungan at maraming mga mangangalakal na Intsik ang nanirahan sa mga pamayanan ng Bacoor at Kawit upang ikalakal ang mga seda, porselana at iba pang mga gamit na gawang oriental. Ang magkakahalong mga mangangalakal, mga kastilang manlalayag ay mga katutubong naninirahan ang nagbigay daan sa paggamit ng bagong wikang tinawag na chabacano.

    Ang Kabite ay isa sa mga unang lugar ng Himagsikan ng Pilipinas, at ang lugar ng kapanganakan ni Hen. Emilio Aguinaldo, isa sa mga pinuno ng himagsikan. Ang Kabite ay ang tahanan ng Dambanang Aguinaldo. Ang Kabite rin ang lugar kung saan inihayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya sa isang seremonya na ginanap sa Kawit noong Hunyo 12, 1898.

    Noong 1899, sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano na ang pinasakop ng hukbong Amerikano na bumihag sa Kabite at lumaban sa mga puwersa ng Hukbong Pilipinong Mapaghihimagsik.

    Noong Disyembre 10, 1941, Nilusob ng mga pilotohang Hapones ang pagsalakay ng base ng hukbong dagat ng Estados Unidos sa Lungsod ng Kabite at ang pinasok ng puwersang Hapones na sumasakop sa Kabite noong 1942.

    Noong 1945, Nagsumiklab ang paglaya sa Kabite na ang nadakpin muli sa lalawigang ito sa pagitan ng pagsamahin na tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang kumilalang pangkat ng mga gerilya ng Puwersang Gerilya ng mga Pilipino-Amerikano sa Kabite o Filipino-American Cavite Guerrilla Force (FACGF). na pamumuno ni koronel Mariano Castaneda ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas (Philippine Commonwealth Army) ay ang pagsalakayin ng puwersang Hapones noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

    Mga Pamantasan at Dalubhasaan

    Kawing Panlabas

    Opisyal na Websayt ng Lalawigan ng Cavite

    Padron:Cavite

    Flag of the Philippines.png Pilipinas
    Kabisera Lungsod Maynila | Pambansang Punong Rehiyon
    Probinsiya Abra | Agusan del Norte | Agusan del Sur | Aklan | Albay | Antique | Apayao | Aurora | Basilan | Bataan | Batanes | Batangas | Benguet | Biliran | Bohol | Bukidnon | Bulakan | Cagayan | Camarines Norte | Camarines Sur | Camiguin | Capiz | Catanduanes | Cavite | Cebu | Compostela Valley | Cotabato | Davao del Norte | Davao del Sur | Davao Oriental | Dinagat Islands | Silangang Samar | Guimaras | Ifugao | Ilocos Norte | Ilocos Sur | Iloilo | Isabela | Kalinga | La Union | Laguna | Lanao del Norte | Lanao del Sur | Leyte | Maguindanao | Marinduque | Masbate | Misamis Occidental | Misamis Oriental | Mountain Province | Negros Occidental | Negros Oriental | Hilagang Samar | Nueva Ecija | Nueva Vizcaya | Occidental Mindoro | Oriental Mindoro | Palawan | Pampanga | Pangasinan | Quezon | Quirino | Rizal | Romblon | Samar | Sarangani | Shariff Kabunsuan | Siquijor | Sorsogon | Timog Cotabato | Timog Leyte | Sultan Kudarat | Sulu | Surigao del Norte | Surigao del Sur | Tarlac | Tawi-Tawi | Zambales | Zamboanga del Norte | Zamboanga del Sur | Zamboanga Sibugay
    Iba pang Subdibisyon Mga Pulo | Rehiyon | Lungsod | Munisipalidad | Barangay | Mga Pambatasang Distrito
    Pagtatalo sa Saklaw ng Teritoryo Sabah | Scarborough Shoal | Spratly Islands
    bcl:Cavite

    cbk-zam:Cavite ceb:Kabite de:Cavite en:Cavite es:Cavite fr:Cavite (Philippines) id:Cavite ilo:Cavite it:Provincia di Cavite ja:カヴィテ州 mk:Кавите nl:Cavite (provincie) no:Cavite pam:Cavite pt:Cavite sv:Cavite war:Cavite zh:甲米地省