Juan de la Cruz (Palaris)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Juan dela Cruz (8 Enero 1733 – 27 Pebrero 1765), na kilala rin sa panagalang Palaris, ay namumo sa aklasan laban sa mga Espanyol noong siglo 18.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-ugatan

Si de la Cruz ay anak ni Santiago de la Cruz, cabeza de barangay, at Catalina Ugay, na tubong Binalatongan, Pangasinan. Si Juan ay may dalawang kapatid na sina Colet at Simeona. Ang pamilya de la Cruz ay kabilang sa principalia sa Binalatongan.

Nakapag-aral si de la Cruz, sa sinilangang bayan ng Binalatongan, at naulila noong siya ay bata pa. Nang makatapos ng pag-aaral, siya ay nagtungo ng Maynila, at doon nagtrabaho kay Francisco Enriquez de Villacorta, na isang opisyal ng pamahalaang Espanyol.

[baguhin] Simula ng Pakikibaka

Matapos ang Pananakop ng mga Briton sa Filipinas, inumpisahang ayusin ng pamahalaang Espanyol, kasama si Villacorta ang Bacolor, Pampanga na katabing lalawigan ng Pangasinan.

Sa panahong ito, nagsimulang magprotesta ang mga taga-Binalatongan sa mga pang-aabuson nga kanilang gobernador. Nais ng mga pinuno ng mga bayan sa Binalatongan na mapatalsik ang kanilang gobernador at itigil na ng pamahalaang Espanyol ang pagkolekta ng buwis, dahil ang kanilang isla ay nasa ilalim na ng mga Briton.

Hindi pumayag ang Gobernador ng Espanya na si Hen. Simon de Anda sa nais ng mga taga-Binalatongan. At noong 1762, nagsimula ang aklasan laban sa pamahalaang Espanyol, at ang pangalang “Palaris” ay nakilalang bilang pinuno ng mga rebolusyonaryo. Sina Colet de la Cruz, Andres Lopez, at Juan de Vera Oncantin ay kasama ni Juan de la Cruz na namuno sa aklasan laban sa mga Espanyol.

[baguhin] Pagpapalaya sa Pangasinan

Disyembre, lahat ng opisyal ng pamahalaang Espanyol ay lumiban na sa Pangasinan, maliban ang mga paring Dominiko, dahil sa panganib na kanilang kinakaharap. Ang pamahalaang Espanayol ay nakipag alyansa sa mga Briton, na kasalukuyang nakikipaglaban kay Diego Silang, sa lalawigan ng Ilocos sa hilagang bahagi ng Filipinas.

Noong 1 Marso 1763, nakaharap ng grupo ni de la Cruz si Alfonso de Arayat at kaniyang mga kawal at, ilang Filipino na matapat sa pamahalaang Espanyol sa Ilog Agno. Napilitang umurong sa laban ang grupo ni Arayat matapos malagasan ng maraming kawal. Napunta muli sa mga Filipino ang Ilog Agno, na matatagpuan sa pagitan ng Pampanga at Pangasinan sa katimugang bahagi. Kilala ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Filipinas bilang “Battle of Agno River of 1763.” At sa kasagsagan ng aklasan upang mapalaya ang Pangasinan , si de la Cruz ay may mahigit 10,000 kawal, na patuloy na nakikipag-usap kay Silang upang mapabilis at mas epektibo ang kanilang laban sa mga Espanyol.

[baguhin] Pagkatalo at Aresto

Nang lagdaan ang Kasunduan sa Paris, noong 1763, natapos na rin ang Pitong Taong Digmaan noong 10 Pebrero 1763. Nagkaroon nang pagkakataon ang mga Espanyol na sugpuin ang mga aklasan laban sa kanilang pamahalaan, nagpadala sila ng mga armadong kawal sa Pangasinan upang madakip si de la Cruz. Ang mga prayle na naiwan sa lalawigan ay nagsimulang himukin ang kanilang mga parokyano upang mapabilis ang pagdakip kay de la Cruz.

Noong Setyembre 1763, nakarating na ang balita sa Pangasinan na pormal nang nilagdaan ang Kasunduan sa Paris, nagsimulang sumuko nang ilang kawal ni de la Cruz at bumalik sa kanilang mga pamilya upang makaiwas sa mga opensiba ng mga sundalong Espanyol.

Disyembre 1763, nagsimulang lusubin ng mga kawal ng Espanyol ang bayan na Mabalitec, na malapit sa Ilog Agno na nasa pagitan ng Binalatongan at Bayambang. Nabigo ang mga kawal ni de la Cruz na ipangtanggol ang lugar na ito. Sumunod na nakuha ang bayan ng Binalatongan, at sa San Jacinto, Pangasinan, nahuli ng mga Espanyol sina Andres Lopez at Juan de Vera at ilang matatapat na kawal ni de la Cruz.

Marso 1764, halos lahat ng lugar sa Pangasinan ay nasa kamay na ng mga Espanyol, piniling manatili ni de la Cruz sa Pangasinan kasama ng kaniyang matatapat na kawal. Dahil sa tumitinding takot sa mga Espanyol, napilitang ituro ng kaniyang kapatid na si Simeona kay Agustin Matias na isang gobernadorcillo ng Binalatongan kung saan nagtatago ang kaniyang kapatid. At 16 Enero 1765, si de la Cruz ay dinala sa kapitolyo ng Lingayen para litisin. Habang nasa loob ng piitan, inamin niyang siya ang pinuno ng aklasan laban sa mga Espanyol. At noong 26 Pebrero 1765, si de la Cruz ay binitay.

[baguhin] Sanggunian

  • National Historical Institute, Filipinos in History Volume 4 (Maynila: National Historical Institute, 1995)
  • Marcos, Ferdinand E. (1977). Tadhana: The History of the Filipino People.

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.