Juan Ponce Sumuroy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Juan Ponce Sumuroy (Sumuroy o Sumudoy) (Juan Agustin Sumuroy) ay isang Waray na namuno sa mga rebolusyonaryo sa Silangan Visayas, noong 1649-1650.

Nagsimula ang pakikipaglaban ni Sumuroy sa bayan ng Palapag na ngayon ay Hilagang Samar, na lumaganap sa buong rehiyon. May nagsasabing ang pag-aaklas ni Sumuroy ay umabot sa rehiyon Bicol at sa Mindanao. Ang nasabing pag-aaklas ay tinawag na “Rebelyon ni Sumuroy”.

Ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ni Sumuroy at kaniyang mga kasama, nang sapilitang pagawain ng mga Espanyol ang mga tao sa Silangang Visayas at karatig na rehiyon, sa pagawaan ng barko, na noon ay nasa Cavite. Kahit naging kilala at malawakan ang aklasan nila Sumuroy, natalo sila ng mga Espanyol.

Sanggunian

Panlabas na kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.