Jose dela Cruz

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan. Isinilang siya sa Tundo, Maynila noong Disyembre 20, 1746. Hindi siya nakapag-aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya Cit Teolohiya.

Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.

Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan. Ang dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.

Mula sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.

Maaring bisitahin

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !" en:José de la Cruz