Jose P. Laurel
Mula Wikifilipino
| |
| Kasalukuyang Nanunungkulan | |
| Ika-3 Pangulo ng Pilipinas Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas | |
| Panahon ng Panunungkulan | |
| Oktubre 14, 1943 - Agosto 17, 1945
| |
| Kapanganakan | Marso 9, 1891 Tanauan, Batangas |
|---|---|
| Kamatayan | Nobyembre 6, 1959 Maynila |
| Asawa | Pacencia Hidalgo |
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Sanggunian
Pagkilala
| | Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Jose P. Laurel. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa. |










