Jose Maria Basa

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Jose Maria Basa (Picture from ([1]).

(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Jose Maria Basa)

Si Jose Maria Basa (19 Disyembre 1839 – 10 Hulyo 1907) ay isang negosyante, propagandista, at bayani.

Mga nilalaman

Pinagmulan at Edukasyon

Si Basa ay isinilang sa Binondo, Maynila at nakapagtapos ng Batsiler ng Pilosopiya sa Unibersidad Santo Tomas noong 1860. Siya ay yumaman at nakilala sa Binondo nang namana niya ang distilerya sa Trozo.

Bayani

Noong 1872, si Basa ay kasama sa mga dinakip at kinulong dahil sa bintang na lumahok sa naganap na pag-aalsa ng taumbayan laban sa mga Kastila. Makalipas ang dalawang taon, si Basa at ang iba pang akusado ay nabigyan ng pardon sa kondisyong hindi na muli siya babalik sa Pilipinas. Si Basa at ang kaniyang pamilya ay nagtungo at nanirahan sa Hong Kong, at nagtagumpay sa larangan ng kalakalan. Ang kaniyang tahanan ay naging pansamantalang tirahan naging tirahan nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.

Nang kinailangang ipuslit ang mga kopya ng La Solidaridad sa Pilipinas, si Basa ay isa sa mga nagbigay ng donasyon. Siya ay naatasang maging direktor ng katarungan nang itatag ni Hen. Emilio Aguinaldo ang hunta sa Hong Kong. Nang sumiklab ang Digmaan ng Estados Unidos at España, si Basa at ang iba pang mayayamang Pilipino ay nag-alok ng salapi sa pamahalaang Amerikano upang isama ang Pilipinas sa mga estado ng Amerika.

Si Basa ay binawian ng buhay sa Hong Kong, at makalipas ang apat na taon ay inilipat ang kaniyang labi sa Maynila.


Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.