Jose F. Lacaba

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Jose Flores Lacaba, o mas kilala bilang Pete Lacaba, ay isang premyadong manunulat na Pilipino. Siya rin ang kasalukuyang punong patnugot ng YES! Magazine ng Summit Media.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Ipinanganak si Pete Lacaba sa Cagayan de Oro noong Agosto 20, 1945. Ang kanyang mga magulang ay sina Jose Lacaba Sr. at Fe Flores; si Emmanuel “Emman” Lacaba, isa ring manunulat, ay isa sa kanyang mga kapatid. Nang lumaon ay lumipat silang mag-anak sa Pateros, na bayan ng kanyang ina.

Sa pamamagitan ng isang scholarship, nakapag-aral siya sa Ateneo de Manila, ngunit napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Dahil dito ay nagsimula siyang magsulat para sa Philippine Free Press.

Kasama ang kapatid na si Emman, tumuligsa sila sa diktaduryang Marcos sa pamamagitan ng kanilang mga naisulat. Isa dito ay ang tulang “Prometheus Unbound,” na nilimbag ng magasin na Focus, at ang koleksyong “Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran” na nailimbag noong 1979. Nakilala din siya sa kanyang mga ulat tungkol sa First Quarter Storm, na kinolekta sa librong “Days of Disquiet, Nights of Rage.” Dahil dito ay dinakip siya at ikinulong nang dalawang taon.

Sumabak din siya sa pagsusulat ng mga iskrip para sa pelikula. Kasama si Ricky Lee, isinulat nila ang iskrip sa pelikulang “Jaguar” noong 1979; kasama sa kanyang ibang natatanging akda ay ang “Sister Stella L” kasama si Mike de Leon noong 1984, “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” noong 1984 din, “Orapronobis” noong 1989 at “Rizal sa Dapitan” noong 1997.

Tumayo rin siya bilang deputy chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at isang fellow ng UP Institute of Creative Writing. Kasalukuyang punong patnugot ng YES! Magazine, asawa niya si Marra PL Lanot, isa ring manunulat.

[baguhin] Mga Akda

[baguhin] Reportage

  • Days of Disquiet, Nights of Rage (1982)

[baguhin] Tula

  • Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran (1979, inilimbag uli noong 1996)
  • Sa Daigdig ng Kontradiksyon (1991)
  • Sa Panahon ng Ligalig (1991)
  • Edad Medya: Mga tula sa katanghaliang gulang (2000)

[baguhin] Skrip

[baguhin] Mga Isinalin

  • Imelda - Pelikula (2003)
  • SALINAWIT - Mga awit

[baguhin] Mga Premyo at Parangal

  • CCP Centennial Honors of the Arts
  • “Sa Panahon ng Ligalig” - Unang Gantimpala para sa Tula isinulat sa Filipino, Don Carlos Palanca Memorial Awards (1983)
  • Star Awards
    • Nominado - Original Screenplay of the Year, “Segurista” (1996)
    • Adapted Screenplay of the Year, “Rizal sa Dapitan” (1998)
  • Metro Manila Film Festival
    • Best Screenplay, “Rizal sa Dapitan” (1997)
  • Gawad Urian
    • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, “Jaguar” (1980)
    • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, “Sister Stella L” (1985)
    • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” (1986)
    • Nominado - Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, “Bagong Bayani” (1996)
    • Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, “Segurista” (1996)
  • FAP Awards
    • Best Story Adaptation, “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” (1986)
  • FAMAS Awards
    • Best Screenplay, “Rizal sa Dapitan” (1998)
  • Lifetime Achievement Award, Cinemanila International Film Festival (2008)
  • Aruna Vasudev Lifetime Achievement Award, 10th Osian's-Cinefan Film Festival, India (2008)


[baguhin] Mga Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.