Jose Apolonio Burgos

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Jose Burgos)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: Enero 20, 1872 | }} {{#if: Pebrero 17, 1872 | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }}
José Apolonio Burgos
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Estado {{{estado}}}
Kapanganakan Enero 20, 1872
Lungsod Vigan, Ilocos Sur
Kamatayan Pebrero 17, 1872
Maynila
Asawa {{{spouse}}}
Mga Magulang {{{parents}}}
Palayaw {{{othernames}}}


Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia.

Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).

Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.

Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.

Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero 15, 1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta.

Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo sa siyang gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga banyaga.

[baguhin] Maaring bisitahin

[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Jose Apolonio Burgos. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.