Joey Ayala

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Joey Ayala

Si Jose Iñigo Homer Lacambra Ayala o mas kilala sa tawag na Joey Ayala ay isang sikat na makata at Filipinong mang-aawit. Nakilala siya sa mundo ng musikang Filipino dahil sa kaniyang paggamit ng mga katutubong elemento mula sa titik ng awit hanggang sa instrumentong musikal tulad ng Maranao kulintang, ang T’boli lute hegalong at ang walong pirasong set ng gong. Gumagamit din siya ng makabagaong instrumento tulad ng electric guitar, bass guitar, at tambol. Siya ay napupuri sa kaniyang galing sa pagsama ng katutubo at makabagong musika gamit ang mga etnikong instrumento.

Isang tagasulat ng titik ng kanta at kolumnista, si Ayala ay nagtapos ng kursong Economics sa Ateneo de Davao University. Siya ay lumaki sa isang makasining na pamilya. Ang kaniyang ama na si Jose Ayala ay isang pintor at ang kaniyang ina na si Tita Lacambra naman ay isang makata.

Ang kaniyang mga kanta ay madalas na tumatalakay sa pagmamalasakit sa kapaligiran, pagmamahal, pansariling kapakanan, kalikasan, at lipunan. Ang estilo at kumposisyon ni Joey Ayala sa musika ay makikita sa kaniyang pagsama sa iba't-ibang anyo ng musika. Sumulat siya ng mga awiting para sa konsiyerto at rock operas tulad ng Sa Bundok ng Apo (1977), May-I (produksyon ng PETA) noong 1979, Nukleyar I noong 1983 at Nukleyar II noong 1985. Noong 1990, itinanghal siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men ng Philippine Jaycees. Siya rin ang lumikha ng awitin na kinanta ni Martin Nievera na may pamagat na "Pag-Uwi" na nanalo bilang Grand Prize ng Metropop Song Festival.

Si Ayala ay napagkalooban ng Datu Bago award, isang parangal na nakuha niya sa mga awitin niyang "Walang Hanggang Paalam" mula sa kaniyang album na "Magkabilaan" at "Wala Nang Tao Sa Santa Filomena." Hindi nagtagal ang dalawang kantang ito ay naging theme song sa kahanga-hangang obra ni Lino Brocka, ang "Orapronobis" at kay Marilou Diaz Abaya na "Bagong Buwan."

[baguhin] Diskograpiya

  • 16lovesongs (2003)
  • Joey Ayala: RAW (2004)
  • Mga Awit ng Tanod Lupa (1991)
  • Panganay ng Umaga
  1. Unang edisyon {1981}
  2. Pangalawang edisyon {1987)
  3. Pangatalong edisyon (1991)
  • Magkabilaan (1986)
  • Mga Awit ng Magdaragat
  • Lumad sa S'yudad (1992)
  • Basta May Saging
  • Encantada (1992)
  • Sita at Rama
  • Magkabilaan
  • Lupa't Langit

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.