Jesse Robredo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: [[{{#if:5|{{#switch:{{#if:5|{{#switch:5|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:5<0|{{#ifexpr:((5)round 0)!=(5)|{{#expr:12-(((0.5-(5))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(5))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+5)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}} 27,]] 1958 (edad {{#expr:(2014)-( 1958 )-((07)<( 5 )or(07)=( 5 )and(26)<( 27 ))}}) | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }}
Jesse M. Robredo
Jesserobredo.jpg
Kasalukuyang Nanunungkulan
Kalihim ng DILG
Panahon ng Panunungkulan
2010 - 2012
Kapanganakan [[{{#if:5|{{#switch:{{#if:5|{{#switch:5|january|jan=1|february|feb=2|march|mar=3|apr|april=4|may=5|june|jun=6|july|jul=7|august|aug=8|september|sep=9|october|oct=10|november|nov=11|december|dec=12|{{#ifexpr:5<0|{{#ifexpr:((5)round 0)!=(5)|{{#expr:12-(((0.5-(5))round 0)mod 12)}}|{{#expr:12-(((11.5-(5))round 0)mod 12)}}}}|{{#expr:(((10.5+5)round 0)mod 12)+1}}}}}}|Missing required parameter 1=month!}}|1=Enero|2=Pebrero|3=Marso|4=Abril|5=Mayo|6=Hunyo|7=Hulyo|8=Agosto|9=Setyembre|10=Oktubre|11=Nobeyembre|12=Disyembre|Incorrect required parameter 1=month!}}|Missing required parameter 1=month!}} 27,]] 1958 (edad {{#expr:(2014)-( 1958 )-((07)<( 5 )or(07)=( 5 )and(26)<( 27 ))}})
Naga, Pilipinas
Kamatayan {{{death_date}}}
{{{death_place}}}
Asawa {{{spouse}}}
Mga Magulang {{{parents}}}
Palayaw {{{othernames}}}


Si Jesse M. Robredo ay dating kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Department of Interior and Local Government o DILG) at dating nagsilbi bilang punong-lungsod ng Naga, Bikol. Siya ang kauna-unahang Pilipinong pununglungsod na nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Paglilingkod sa Gobyerno noong 2000.


Mga nilalaman

Kabataan

Ipinanganak si Jesse Manalastas Robredo noong 27 Mayo 1958 sa Lungsod ng Naga. Pangatlo siya sa limang magkakapatid na dalawang lalaki at tatlong babae, nina Jose Chan Robredo Sr. at Marcelina Manalastas. Purong Intsik si Lim Pay Co, ang lolo sa ama ni Robredo na dumating sa Pilipinas noong pagpasok ng ika-dalawampung siglo. Nakagawiang ng mga Intsik na nanirahan dito sa Pilipinas na magpalit ng apelyido sa pagpapabinyag nila sa Katolisismo, at pinili ni Lim Pay Co ang pangalan ng paring nagbinyag sa kanya kaya siya naging Juan Lim Robredo. Kinuha naman ng ama ni Jesse ang gitnang pangalang Chan mula sa kanyang ina na apelyido nito noong dalaga pa.


Edukasyon

Nag-aral si Robredo sa Naga Parochial School, isang pribadong Katolikong eskwalahan, kung saan nagsimulang mahasa ang kanyang talento at paglalaro ng ahedres. Kilala ang kanyang paaralan sa pagtala ng pagkapanalo sa taunang panlalawigang palaro ng ahedres at isa ang kapatid ni Jesse sa mga nagwagi rito. Subali't nang si Jesse na ang lumaban, nakamit niya lamang ang ikalawang gantimpala. Noong 1970, pumasok si Jesse sa Ateneo de Naga, ang kaisa-isang Katolikong mataas na paaralan para sa mga lalaki sa lungsod. Pinalalakad ito ng hesuwita kaya kilala sa pagpapairal ng disiplina at kagalingang akademiko. Nang idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong 1972, nagpatawag ng pagpupulong ang institusyon at mga tagapamahala nito para ipakita ang kanilang pagkadisgusto sa kasalukyang pamahalaan.

Nagtapos si Jesse sa kanyang kursong Industrial Management Engineering and Mechanical Engineering sa De La Salle University. Napili siya bilang Edward Mason Fellow at kumuha ng Masters Degree in Public Administration sa John F. Kennedy School of Government, Harvard University sa Cambridge, Massachussets noong 1999. Taong 1985 nang matapos niya ang kanyang Masters Degree in Business Administration sa Unibersidad ng Pilipinas bilang iskolar, at ginawaran ng Graduate School and Faculty Organization para sa ipinamalas na husay sa pag-aaral.


Trabaho at pagpasok sa serbisyo publiko

Bago pasukin ang paglilingkod sa publiko, namasukan muna si Robredo sa Physical Distribution Technical Services Department, General Services Division ng San Miguel Corp.. Sa loob ng anim na buwan, hinawakan niya ang dalawa sa tatlong dibisyon at inilipat sa departamentong pinansyal sa loob ng anim na buwan. Lumipat siya sa Magnolia at naatasan sa logistics planning kasabay ng pagiging direktor ng physical distribution.

Pagkabalik niya sa Naga noong 1986, ginawa siyang Program Director ng Bicol River Basin Development Program, isang ahensyang nagpapalakad ng mga gawain sa pagpaplanong paunlarin ang tatlong lalawigan ng rehiyon.

Noong 1988, naihalal siya bilang punong-lungsod ng Naga, pinakabatang naging punong-lungsod sa Pilipinas sa gulang na dalawampu't siyam. Mula sa matamlay na siyudad, nagawa niyang mapabilang ito sa “Most Improved Cities in Asia” ng Asiaweek Magazine noong 1999.

Dahil sa kanyang mabisang pamumuno, naihalal siya bilang pangulo ng Liga ng mga Punong-Lungsod ng Pilipinas noong 1995. Nang taong ding iyon, pinamunuan niya ang Metro Naga Development Council. Naluklok din siya bilang pinuno ng Regional Development Council ng Bikol mula 1992 hanggang 1998. Kasapi rin siya ng Partido Liberal ng Pilipinas.


Kamatayan

Noong 18 Agosto 2012, bumagsak ang sinasakyang Piper Seneca na eroplano habang pauwi ng Naga mula sa isang kumperensya sa Cebu. Nang magkaproblema sa makina ng eroplano, humingi ng permiso ang piloto para mag-emergency landing sa Masbate. Nguni't bumagsak na ang eroplano sa dagat, isang kilometro ang layo mula sa paliparan. Nabuhay ang kanyang kasamang si Jun Abrasado at dinala sa ospital ng mga mangingisda. Ilang araw hinanap sa karagatan ang mga nawawalang sina Robredo at dalawang pilotong sina Jessup Bahinting at ang taga-Nepal na si Kshitiz Chand.

21 Agosto 2012 nang matagpuan ang bangkay ni Robredo sa nasirang eroplano na nasa 55 metrong lalim ng tubig. Bilang pagbibigay-pugay sa nasawing kalihim ng DILG, idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Pambansang Araw ng Pagluluksa kung saan nasa kalahating taas lamang ang mga watawat ng Pilipinas sa mga tanggapan ng gobyerno. Ipinagkaloob sa kanya ang Legion of Honor ng pangulo na tinanggap ng kanyang asawang si Leni Robredo. Matapos sunugin ang katawan, inilibing ang kanyang abo sa Eternal Gardens Memorial Park noong 28 Agosto 2012.


Mga gawad at pagkilala

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging nagawa sa serbisyo publiko, nakatanggap siya ng labing apat na gantimpala mula sa iba't ibang pagkilala gaya ng Gantimpalang Ramon Magsaysay para sa Paglilingkod sa Gobyerno noong 2000, Konrad Adenauer Medal of Excellence bilang Pinakanatatanging Punung-Lungsod ng Pilipinas noong 1998, Outstanding Young Persons of the World (TOYP) Award noong 1990 at The Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM), at ang pinakaunang gantimpalang “Dangal ng Bayan ” ng Komisyon sa Serbisyong Sibil. Noong Marso 2008, ipinagkaloob kay Robredo ang honorary Doctor of Humanities degree ng Far Eastern University ng Maynila. Kabilang din siya sa mga board of trustees ng Synergeia Foundation Inc., isang koalisyon ng mga indibidwal, institusyon, at mga organisasyong naglalayong mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Kasama ang dating gobernador ng Isabela na si Grace Padaca at dating gobernador ng Pampanga na si Ed Panlilio, pinangunahan nila ang kilusang “Kaya Natin!” na naglalayong magkaroon ng tunay na pagbabago sa pamumuno sa Pilipinas.


Sanggunian



Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.