Jejomar Binay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Jejomar C. Binay
BINAY.jpg
Kasalukuyang Nanunungkulan
Alkalde ng Lungsod ng Makati
Panahon ng Panunungkulan
2007 - Kasalukuyan
Kapanganakan November 11, 1941
Paco, Manila, Philippines
Magulang Diego Medrano Binay at Lourdes Cabauatan
Asawa Dr. Elenita Sombillo-Binay

Kung nais mabasa ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Jejomar C. Binay.

Si Jejomar "Jojo" C. Binay ay ang ika-labinglimang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Naglingkod rin siya bilang alkalde ng Lungsod ng Makati. Siya rin ang tagapangulo ng United Opposition (UNO), Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban), at Boy Scouts of the Philippines.

Napangasawa niya ang isang doktor, si Elenita Sombillo, na naging alkalde rin ng Makati noong 1998 hanggang 2001. Nagkaroon sila ng limang anak, sina Maria Lourdes Nancy, Mar-Len Abigail (Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Makati), Jejomar Erwin (Konsehal ng Makati), Marita Angeline, at Joanna Marie Bianca.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Supling nina Diego Medrano Binay at Lourdes Cabauatan, ipinanganak si Binay noong Nobyembre 11, 1941 sa Paco, Maynila. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, nanirahan siya sa Makati kasama ang kanyang tiyuhin na si Ponciano Binay. Nagtrabaho siya sa murang edad bilang tagapag-alaga ng mga baboy at panabong na manok ng kanyang tiyo upang masuklian ang pagsusustento sa kanya.

Si Binay rin ang nagpaaral sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nakapasok siya sa Philippine Normal College Training Department, University of the Philippines Preparatory High School, at Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nakapagtapos siya ng mga kursong Political Science at Abogasya. Matapos pumasa sa bar exams noong 1968, kumuha siya ng ilang kursong masteral sa public administration sa UP at Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging propesor rin si Binay ng batas, political science, at public administration sa Philippine College of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the Philippines), Philippine Women's University at St. Scholastica's College habang nag-aaral ng masteral at nagtatrabaho.

Noong kasagsagan ng Batas Militar, naging bahagi si Binay ng Free Legal Assistant Group (FLAG) at ng August Twenty-One Movement (ATOM) na nabuo matapos mamatay si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Isa rin siya sa nagtaguyod ng isang lupon ng mga abogado, ang Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism, Inc. (MABINI), kung saan kabilang rin sina Lorenzo at Wigberto Tañada, Rene Saguisag, at Joker Arroyo. Nabilanggo ang ilang mga miyembro ng organisasyong ito dahil sa diumano'y pagtulong nila sa mga political prisoners.

[baguhin] Buhay pulitika

Matapos ang EDSA Revolution, inatasan ni Cory Aquino si Binay na tumayong pansamantalang alkalde ng Makati, hanggang sa ganap siyang inihalal bilang alkalde noong 1988. Noong 1987 naman ay inatasan siyang maging gobernador ng Kalakhang Maynila, at di-naglaon ay naging tagapangulo ng Metro Manila Development Authority. Muli siyang nahalal bilang alkalde noong 1992 at 1995.

Bilang alkalde ng Makati, inuna niya ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga residente ng lungsod. Ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ay ilan sa mga pinakamahuhusay sa bansa sa aspeto ng facilities at pagtuturo. Namimigay rin siya ng mga health card--ang "yellow card"--para lamang sa mga residente ng Makati, at ang mga ito ay sumasakop sa lahat ng gastusin sa ospital. Siya rin ang unang opisyal na naglaan ng serbisyong libreng panonood ng sine sa mga malls sa Makati para sa mga matatanda (senior citizen).

[baguhin] Pagtakbo sa pagkapangulo

Idineklara ni Binay ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 11 Nobyembre 2008 sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban, kung saan nagpahayag ng suporta sa kanya si dati presidente Joseph Estrada. Gayon pa man, bumaba rin siya at nagpasyang tumakbo na lamang bilang bise-presidente kaakbay si Estrada, na siya namang tatakbo sa pagkapresidente sa darating na halalan. Sa kasalukuyan, si Binay ay nanguuna sa karera ng Bise Presidente laban sa kanyang kalaban si Mar Roxas.

[baguhin] Suspensyon

Noong Oktubre 2006, sinuspinde si Binay ng Department of Interior and Local Government dahil sa mga diumanong “ghost employee” sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Ang naghain ng paratang ay ang karibal niya sa pulitiko, si Roberto Brillante. Bilang pagtutol sa kanyang pagkakasuspinde, binarikada ni Binay ang sarili niya sa loob ng munisipyo ng Makati samantalang nagbigay sa kanya ng suporta ang ilang kilalang personalidad gaya nina Corazon Aquino at Susan Roces. Nagtalaga ng restraining order ang Court of Appeals, pagkatapos ay injunction upang masiguro na hindi mapipilit ang kanyang suspensyon hangga't hindi nalilinaw ang kaso.

Hindi nakasuhan si Binay dahil sa kakulangan ng ebidensya at isinasaad ng mga kritiko na pakana lamang ito ng gobyerno upang hindi mapuna ang sarili nitong mga kakulangan.



[baguhin] Anomalya sa BIR

Noong 2 Mayo 2007, pinutol ng Bureau of Internal Revenue ang mga pondo ni Binay sa bangko pati na rin ang mga akawnt ng kanyang bise-alkaldeng si Ernesto Mercado dahil diumano sa 1.1 bilyong pisong nawawalang mga buwis mula 1999 hanggang 2002. Naibalik din ang mga akawnt, ngunit nagpahayag na si Binay ng batikos na ang nangyari ay may bahid ng pulitika at illegal. Sinuportahan ang pananaw na ito ng ibang mga negosyante na nabahala sa seguridad ng kanilang mga pinanghahawakan.

[baguhin] Mga gawain at kaugnayang pangsibiko

  • Miyembro, Rotary Club of Makati, R.I. District 3830
  • Pambansang Pangulo, Boy Scouts of the Philippines; Asia-Pacific Regional Scout Committee Chairman
  • Vice President for Membership (2006- 2008), United Cities and Local Governments - Asia Pacific Chapter
  • Life Honorary Member (since February 2001), Member - World Executive Committee – International Union of Local Authorities-Asia Pacific
  • Member, Executive Committee (2006-2009) - Network for Local Authorities for the Management of Human Settlement (CITYNET)
  • Chairman, Finance Sub-Committee - World Scout Organization
  • Colonel rank - Philippine Navy Reserve Force

[baguhin] Mga kinabibilangang organisasyon

  • Miyembro at tagapangulo (Ad Hoc Committee), LABAN
  • Partido Demokratiko Pilipino-Laban(PDP-Laban)
    • National President
    • Member, National Executive Committee
    • Chairman, Makati Chapter
    • Chairman, Metro Manila Council
    • Chairman, Ad Hoc Committee
    • Makati Campaign Manager, 1986 Presidential Snap Elections
  • Founding Member at Pangalawang Tagapangulo, Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism, Inc. (MABINI)
  • Tagapayong Ligal, August Twenty One Movement (ATOM)
  • Tagapangulo, Free Legal Assistance Group (FLAG) - Manila Chapter
  • Pambansang Pangulo, Boy Scouts of the Philippines
  • Miyembro (1998); Tagapangulo (2007-2012), Asia Pacific Regional Scout Committee, The World Organization of the Scout Movement
  • Pangulo, United Opposition (UNO)

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.