Jacinto Zamora

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: Agosto 14, 1835 | }} {{#if: Pebrero 17, 1872 | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }}
Jacinto Zamora
PH nhi jacinto zamora.jpg
Estado {{{estado}}}
Kapanganakan Agosto 14, 1835
Pandacan, Maynila
Kamatayan Pebrero 17, 1872
Maynila
Asawa {{{spouse}}}
Mga Magulang {{{parents}}}
Palayaw {{{othernames}}}


Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.

Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en Leyes Canon.

Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez suhalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".

Lumipat ng Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro lahan sa mga Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong pari.

Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.

[baguhin] Maaring bisitahin

[baguhin] Sanggunian


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Jacinto Zamora. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.