Patuloy na binubuo ng
WikiFilipino ang lagúsan ng
Isports upang maitampok nang malawak, malalim, at makabuluhan ang anumang may kaugnayan sa buhay, bagay, at pangyayari sa
Filipinas. Hinati ang bawat paksa sa maliliit na bahagi upang maging gabay sa inyong pagbabasa. Panimula at hindi pangwakas ang balangkas ng nabanggit, kaya asahan ang mabibilis na pagbabago. Sasailalim din sa mahigpit na pagrepaso ng pangkat ng mga editor ang nilalaman ng balangkas nang makamit ang mataas na pamantayan. Maaari ninyong paunlarin pa ang balangkas, habang isinasaalang-alang ang nilalaman, anyo, daloy, at paraan ng pagkakasulat ng bawat akda. Inaasahan ang inyong pakikilahok upang mapaganda ang lagúsang ito at maihatid sa buong mundo ang husay ng Filipino. Halina't magpatala dito upang mapabilang sa lumalaking pangkat ng mga boluntaryo. Gamitin natin ang
Wikifilipino sa ikatatagumpay ng mga
Filipino sa buong mundo.