Ipaghiganti mo ako!

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sa unang malas, ang Ipaghiganti Mo Ako! (1914) ni Precioso Palma ay napakatamis na kuwento ng pagmamahalan na may malungkot na wakas. Tampok sa akda ang mga karanasan ng magkasintahang sina Pedring at Geli ilang buwan bago pumutok ang Digmaang Filipino-Amerikano. Nang magkadigma, nagkahiwalay ang magkasintahan. Napabilang si Geli at ang kaniyang ina sa libo-libong biktimang naipit sa bakbakan, at nagsikap na tumakas, naghanap ng pagkain, hanggang maging saksi sa malaganap na pinsala sa Bulacan, Nueva Ecija, at iba pang lalawigan sa Luzon. Makalipas ang limang taon, muling nagkatagpo sina Geli at Pedring sa bayan ng Antipolo. Ibinunyag ng naghihingalong si Geli na siya’y ginahasa ng isang Katipunero na ama ng kaniyang anak. Bago namatay si Geli, hiniling niya kay Pedring na ipaghiganti siya.

[baguhin] Sanggunian

  • Palma, Precioso. Ipaghiganti mo ako!. Nalathala noong 1914.

[baguhin] Panlabas na kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.