Ina, Kapatid, Anak

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Ina, Kapatid, Anak (1979) ay klasikong dramang idinirek ni Lino Brocka, batay sa iskrip ni Mel Chionglo. Ito ay istorya ng magkapatid na nag-aagawan sa pagmamahal ng mga lalaki sa kanilang buhay.

Mga nilalaman

Lagom

Bumalik sa Pilipinas si Pura upang makitang muli ang amang malubha, ngunit hindi niya inaasahang sa kaniyang pagbabalik ay mananariwang muli ang sugat ng nakaraan. May 20 taon ang nakaraan nang siya ay nagtungo sa Estados Unidos upang takasan ang sakit ng pagtataksil ng kaniyang nobyong si Manoling at ng kaniyang kapatid sa amang si Emilia.

Si Emilia sa kabilang banda ay naghahanap ng pagmamahal mula sa ama, asawa, at anak na sa tingin niya ay mas pinapaboran si Pura. Ang galit, pag-iimbot, pagtatagisan sa pagmamahal ng magkapatid na Pura at Emilia ang nagiging hadlang upang mapatawad nila ang isa't isa at kusang magmahal nang walang hinihintay na kapalit.

Mga Tauhan

Parangal

Nagwagi ng tropeo para sa Pinakamahusay na Aktor na Babae mula sa URIAN si Charito Solis. Apat na nominasyon ang tinamo ng pelikula para sa pinakamahusay na sinematograpiya, disenyong pamproduksiyon, pinakamahusay na pangalawang aktor na lalaki, at ang pinakamahusay na aktor na babae.

Sanggunian

  • IMDB (hinango noong 23 Enero 2008)

Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.