Imperyalismo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Imperyalismo ay dalawa ang kahulugan, ang una ay gawa at ang pangalawa ay gawi.

  1. Gawa: Ang Imperyalismo ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan, na kinokontrol o pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo. Ang mga lugar na kanyang pinamumunuan ay maaaring tawaging imperyo ng nasabing bansa. Ang Kolonyalismo ay isang uri ng imperyalismo kung saan ang mga lugar na nasasakop ay tinatawag na kolonya o "protectorates" (ipinagtatanggol na lugar). Ang "Imperyalismo" ay ginagamit din sa sitwasyon kung saan ang paggamit ng kontrol ay hindi masyadong pormal; halimbawa ay kapag ang impluwensya o kontrol ng isang dominanteng bansa ay sa ekonomiya lamang at hindi nasasagi ang usapin sa teritoryo.
  2. Gawi: Ang Imperyalismo ay gawi ng pagiging superyor, subordinasyon at pagdodomina sa ibang tao.

Ang Imperyalismo ay kalimitang awtokratiko, at minsan ay monolitiko[1] sa karakter. Habang ang tawag na imperyalismo ay kalimitang tumutukoy sa politikal o heograpikal na dominyo halimbawa ang Imperyong Ottoman[2], ang Imperyong Ruso[3], o kaya ang Imperyo ng Britanya[4] at iba pa, ang katawagan na ito ay maaari din gamitin sa dominyo ng karunungan, paniniwala, kaugalian, at kadalubhasaan, katulad ng Imperyo ng Kristiyanismo (tingnan: Christendom o mga bansang Kristiyano)[5] o Islam (tingnan: Caliphate o Imperyong Islamiko).[6]

[baguhin] Pangkalahatang buod

Ang Imperyalismo ay nakita sa lumang kasaysayan ng Imperyo ng Asiria, Imperyong Romano, Gresya, Imperyo ng Persya, at Imperyong Ottoman, lumang Ehipto, Indya, Imperyong Aztec, at bilang pinakasimpleng bahagi ng pananakop ni Genghis Khan at ng iba pang mga mananakop. Bagama't ang gawaing imperyalista ay ilang libong taon nang isinasagawa, ang bansag na "Panahon ng Imperyalismo" ay tumutukoy sa mga gawain ng mga bansa katulad ng Britanya, Hapon, at Alemanya sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon at unang bahagi ng ika-20 dantaon, e.g. ang "Pag-aagawan para sa Aprika" at ang "Patakaran sa Bukas na Pinto" sa Tsina.

[baguhin] Mga sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Imperyalismo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.



Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>