Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if:||}}

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig. Nagsimula ito sa mga bansang Europeo. Nang malagay sa pamumunong militar ni Adolf Hitler ang bansang Aleman, naglunsad ito ng mga programang pang-isport sa mga mamamayan upang kunin ang suportang moral ng mga ito na siya namang ginamit niya upang palawigin ang hukbong sandatahan nito. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Nag-siklab rin ang digmaan sa Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan. Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan papuntang Capas, Tarlac. Marami pa ang nangyari.

Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Ifugao sa Hilagang Luzon.

Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Tokyo Bay, Hapon.

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.