Ice Candy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ice candy.jpg

Masasabing ang pinakapaboritong pampalamig ng mga bata ay ang ice candy dahil sa mayelo, malasa, murang halaga at kaayang-ayang anyo nito na tunay na nakakaakit sa publiko lalo na sa mga bata. Ang ice candy ay kadalasang gawa lamang sa pinaghalong fruit juice at tubig, pagkatapos ay isinasalin ang timplang ito sa maliliit na plastic bags at inilalagay sa freezer upang tumigas. Kapag sinipsip ang nagyeyelong fruit juice, tiyak na makakapawi ito ng init at kung minsan ay nakakangilo dahil sa sobrang lamig. Ilan sa mga paboritong flavor ng ice candy ay ang tsokolate, kahel, mangga at buko.

Dahil sa ito ay madalas na gawang-bahay, ang ice candy ay malimit na pinagkakakitaan tuwing panahon ng tag-araw. Hindi lamang sa mga bahay ito nabibili kung hindi sa mga sari-sari store na rin.


Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.