Ibong Adarna

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Song of the Orient
Aklatan ni JULIANA MARTINEZ 116 P. Calderon, Manila

Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.

Mga nilalaman

Lagom

Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.

Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't pogi '[p;lokkkkkmjnhhbgvfcd lm hvng g hnhbynummunnunnunuhybgbtvtrvrrcecwxexecrvyumoimimumuybtvrcexwzwxecrvtybnunimimimnybtvrex

Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.

Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.

Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.

Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.

Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

Anyo ng tula

Ang korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Filipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.

Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.

Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo.

Puna

Ang dalumat ng Ibong Adarna ay hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Filipinas. Maraming ibon sa Filipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.

Paggamit sa korido

Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.

Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.

ito ay pantastikong pangyayari lamang o pangyayari ng kagilagilas na karanasan

Sanggunian

  1. Almario, Virgilio S. Katutubong Sangkap sa Tulang Tagalog. Lungsod Pasig: Anvil Publishing House, 1984.
  2. Añonuevo, Roberto T. "Dalumat ng Ibon: Panimulang Tala sa Hulagway at Anino ng Ibon sa Panulaang Filipinas," nalathala sa Hulagway. Lungsod Quezon: Oragon Poets Circle, 2004.
  3. Balmaseda, Julian Cruz. "Kung sino ang Kumatha ng Florante at Laura."
  4. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang awtor. Maynila: Imprenta at Papeleria ni Juliana Martinez, walang petsa.
  5. Eugenio, Damiana L., editor. Mga Piling Awit at Korido. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1995.
  6. Muling inilathala sa elektronikong paraan ng The Project Gutenberg, at ginawa nina Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza, at PG Distributed Proofreaders mula sa pagkopyang inilaan ng University of Michigan. Mababasa ang elektronikong sipi sa Project Gutenburg "Ibong Adarna" by Anonymous

Panlabas na kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.