Iñigo Regalado y Corcuera

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ipinanganak noong 1 Hunyo 1855 sa Sampalok, Maynila, si Iñigo Regalado y Corcuera ay isang makatang Tagalog na nagsulat sa ilalim ng mga sagisag-panulat na Igiñi, Gaolerad, at Odalaguer. Sa kanyang murang edad, marami na siyang nalalaman ukol sa duplo. Karamihan sa mga nagawa niyang duplo ay hindi naisulat kaya naman ang mga ito ay nawala na at nakalimutan. May mga naisulat din siya na mga awit ng pag-ibig at ballads, na kakaunti na lamang sa mga ito ang naaalala.

[baguhin] Buhay

Ang kanyang tulang liriko na ang “Ang Ganda Mo Neneng” ay naging kilala at nanatili pa rin sa puso ng mga taga-Sampalok, kahit pa man ito ay hindi nailathala noong kanyang panahon.

Isa si Regalado sa mga nanguna sa paglilimbag ng pahayagang Tagalog. Kasama si Gregorio Bautista, inilathala niya ang La Opinion, na itinatag noong 1887. Ngunit noong 1889, ipinagbili ang pahayagan kay Juan Atayde kaya nawalan si Regalado ng ikabubuhay. Nang sumunod na taon, naging tagapamahala siya ng Tagalog na pahayagan na La Lectura Popular.

Noong Setyembre 1890, sa ilalim ng patnubay ni Regalado, nailathala ang El Eco de Filipinas. Inilimbag din niya ang La Ilustracion Filipina.

Nagpakasal siya kay Saturnina Reyes at nagkaroon sila ng maraming anak, kabilang dito si Iñigo Ed. Regalado na naging isa ring manunulat.


Binawian siya ng buhay noong 2 Setymebre 1896.


[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Filipinos in History. Vol III. Philippine Theater. Manila: National Historical Institute, 1996.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.