Hinduismo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Talaksan:Om.svg
Ang Omkara, isa sa mga sagisag ng Hinduismo.

Ang Hinduismo (Sanskrit: Sanātana Dharma सनातन धर्म o "walang-hanggang batas")[1] ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang nagpaumpisa nito.Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo. Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.

Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay ang Brahman, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ng Brahman.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos na may ulo ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

[baguhin] Sistemang Kaste

Ang Sistema ng Antas ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas na panlipunan, gaya ng: (1) Brahmin (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang antas ay mga patapon, itinatawag na "mga hindi mahahawakan" o "mga hindi masasaling" ("mga hindi mahihipo"). Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada, pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang "hindi mahahawakan" ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may antas.

[baguhin] Banal na Ilog

Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Mga sanggunian

Commons-logo.png
Wikimedia Commons has
media related to:
  1. Ang Hinduism ay kilala rin bilang Padron:IAST o Vedic Dharma sa mangilan-ngilang modernong wikang Indian tulad ng Hindi, Bengali at iba pang kontemporaryong Wikang Indo-Aryan, at ganun din sa iba't-ibang dilang Dravidian tulad ng Tamil at Kannada

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Hinduismo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.