Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake sa panahong nakakalalake!

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake sa panahong nakakalalake! ang kumpletong pangalan ng isa sa mga pinakapopular na blog sa Pilipinas. Mas karaniwan itong tinatawag na Haymen, TnL Blog at tunay na lalake blog. Sa Haymen, pinagsasama-sama ang seksismo, parodiya, pang-uuyam, parikala at iba pang pamamaraan upang pagtawanan, alipustahin o batikusin ang iba't ibang personalidad.

Nang magsimula ang blog na ito, iba't ibang kontributor o "posters" ang naglalagay ng larawan ng isang tauhan, tunay man o kathang-isip, at pagkatapos ay hinuhusgahan kung "tunay na lalake (TNL)", "di tunay na lalake(DTNL)" o "under consideration (UC)" batay sa Manifesto ng Tunay na Lalake. May mga pagkakataon ring pinagbabangga ang dalawang "tunay na lalake" sa isang Tunay na Lalake Heads-Up Battle, kung saan nag-iiwan ng komento ang poster at ang mga bumibista para matukoy kung sino ang panalo (i.e. ang mas "tunay na lalake"). Hindi nagtagal, nagdagdag pa ng mga "addendum" at "rule", batay na rin sa popularidad ng ibang post. Nagkaroon na rin ng TNL (Tunay na Lalake) at DTNL (Di Tunay na Lalake) Kodak Moment, tampok ang larawan ng ilang personalidad, kontributor o mambabasa na umaasta o nahuli sa ayos na "makalalake" o "hindi makalalake"; Haymen Gintong Aral o mga kasabihang bastos, pamagat ng pelikulang tumutumbok sa mga bagay na may kinalaman sa pagtatalik o maselang bahagi ng katawan (i.e. Kapag ang palay naging bigas, may bumayo), o kaya karatulang matatagpuan sa dyipni; at Balita, na tungkol naman sa mga bagong ginagawa o nagawa ng isang personalidad na dati nang nahusgahan bilang TNL o DTNL. Ginagamit ring tag ang Balita para sa mga post na hinango sa mga tunay na balita.

Mga nilalaman

Manifesto ng Tunay na Lalake

Narito ang listahan ng unang sampu sa Manifesto ng mga Tunay na Lalake, na inilagak ng poster na si Xyxo Loco noong 22 Abril 2009 (ang ikatlong post sa blog na kinalaunan ay ginawang sidebar sa blog).<ref name=haymenmanifesto> Manipesto ng Tunay na Lalake ni Xyxo Loco, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> Ang sampung ito ang nagsilbing batayan at lunsaran ng mga sumunod na "addendum sa manifesto ng tunay na lalake" at "rules". Ang manifestong ito ang karaniwang kina-copy+paste ng mga user na gustong ipamalita ang blog sa kani-kanilang blog, Multiply Account, discussion forums, Facebook page at iba pa. Ginamit ring disenyo ng The T-shirt Project ang manifesto sa mga t-shirt na inilabas nila simula noong 2010.

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Mga Kontributor

Narito ang ginamit na talipanpan (pseudonym) ng mga kontributor sa iba't ibang post sa Haymen. Isang mabilis na silip sa blog at mapapansing karamihan sa kanila ay hindi na gumagawa ng post sa kasalukuyan o kung gumagawa man, hindi na singdalas ng tulad noong mga unang buwan ng blog. Posible ring ang iba ay nagpalit lang ng ginagamit na talipanpan.

  • AD*
  • AVS*
  • BAOGKA*
  • CHINASKI
  • DK*
  • DK AKA KAPITAN RAKENROL
  • DR. GONZO*
  • HIPPIE COMMIE*
  • JUAN MANOY DELA MANGMANG*
  • JULIUS TAMBAY*
  • LIL ZUPLADO
  • MERCHANT OF MENACE*
  • MDLC*
  • MISTERURCHIN*
  • NULLMALIGNO*
  • PAPA JAY*
  • TOINK*
  • TUNAY NA LALAKE*
  • TVOPA
  • VLAD*
  • XYXO LOCO
  • YOL*

(May asterisk (*) ang mga talipanpan na hindi na nakikita sa mga bagong post.)

Bagamat hindi gumagamit ng tunay na pangalan ang mga kontributor, maaaring tukuyin ang identidad ng ilan sa kanila dahil na rin sa kanilang pag-amin o pagpapakilala sa Haymen mismo at sa ibang midya at lunan. Halimbawa nito si Norman Wilwayco, isang premyadong kuwentista at nobelista, noong itinampok siya sa September 2009 issue ng FHM Philippines. Isa pang halimbawa ang guro at manunulat na si Yol Jamendang, na naglagak sa Haymen ng kanyang mga larawan at ilang post mula sa sarili niyang blog.<ref name=akosiyol1> SiningBee Presents: Gumawa ng sarili mong titi! ni akosiyol, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> <ref name=haymentiti> Hay! Men! Presents: Gumawa ng sarili mong titi! ni Lil Zuplado, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref>Si Jamendang rin ang tumayong kinatawan ng blog nang pag-usapan ito sa isang forum sa Pamantasang Ateneo de Manila.<ref name=mitchblog> 23 ni CMC, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> May mga post rin na nagpapatungkol sa Bookay-Ukay, isang tindahan ng mga second-hand na libro sa Maginhawa St., Teacher's Village sa Quezon City (inilagay ng poster na si Chinaski ang address sa isang post noong 12 Pebrero 2011, sa isang post na pinamagatang "Bookstore ng mga tunay na lalake").<ref name=haymenbookay> Bookstore ng Tunay na Lalake ni Chinaski, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> Dumadalo rin ang mga kontributor sa iba't ibang blogging event gaya ng May Kuwenta ang Kuwento Ko: The Trend Micro Blogging Summit noong Setyembre 2009, Philippine Blog Awards noong Oktubre 2009 at Pinoy_BlogFest 1.0 ng Gadgets Magazine noong Abril 2010.

Maging sa akademya ay nagkaroon ng diskurso tungkol sa Haymen.

Kasaysayan

Simula

Nagsimula ang Haymen bilang konsepto para sa isang palabas na binubuo ng direktor at graphic designer na si Onin Tagaro at ng manunulat at bokalistang si J. Luna (kapwa kaibigan ni Wilwayco) noong Abril ng 2009. Nang dumalo si Wilwayco sa 48th UP National Writers Workshop na ginanap sa Camp John Hay, Lungsod ng Baguio noong Abril rin ng 2009, naging paksa ng biruan ng ilang fellow, panel at bisita ang mga katangian ng "tunay na lalake." <ref name=Guerrero> 48th UP National Writers' Workshop: An Insider's View ni Butch Guerrero, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> Pagkatapos ng nasabing palihan, ginawa ni Wilwayco ang blog at inimbitahan ang kapwa niya fellow na si Mikael Co bilang poster. Pagkalipas ng dalawang araw, naging viral na ang Haymen, sa tulong na rin ng hyperlinking at sharing na ginagawa ng mga user ng Facebook, Twitter, Plurk, blog at forum sites.

Patuloy na Pagsikat

Para mapanatili ang pagdating ng mga update, nagsimulang mag-imbita ng iba pang kontributor sina Co at Wilwayco, na nagresulta sa mas madalas pang update at mas maraming page views. Sa katunayan, mahigit tatlong buwan pa lamang ang gulang ng blog ay umani na ito ng mahigit sa isang milyong pagbisita,<ref name=haymillionaire> Addendum sa Manifesto ng Tunay na Lalake ni Xyxo Loco, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> mula sa apat na libo hanggang labing-isang libong pagbisitang natatanggap nito araw-araw.<ref name=sitemeter> sitemeter.com</ref>

Bukod sa bilang ng pagbisita, may iba pang manipestasyon ang kasikatan at impluwensiya ng Haymen. Kasama na dito ang paglitaw ng iba't ibang blog na kumukopya, sa paraang direkta o hindi, sa pamamaraan ng TnL blog. Halimbawa nito ang tunaynababae.blogspot.com, totoongbabae.blogspot.com, tunaynaveyklas.blogspot.com, tunaynatuna.blogspot.com at tunaynastoner.blogspot.com.

Naitampok na rin ang Haymen sa iba't ibang magasin gaya ng The Swank Style (Abril 2009),<ref name=haymenswank> Ang tunay na lalake, nafi-feature sa online lifestyle zine barely three days into its existence. ni MDLC, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> <ref name=swank> THE RECOMMENDATION: Are you man enough for Hay! Men!? ni THESWANKSTYLE, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> Garage (Hunyo/Hulyo 2009), Maxim Philippines (Hunyo 2009), Fudge Magazine (Agosto/Setyembre 2009), FHM Philippines (Setyembre 2009 at Marso 2010) at sa kauna-unahang isyu ng Esquire Philippines (Oktubre 2011).

Mula rin nang mairehistro sa Pinoy Top Blogs ang Haymen noong Abril ng 2009, nanatili itong numero uno sa kategoryang Humor ng nasabing website. Nagbago lamang ang lahat nang may magrehistro ng blog na nagpapaskil ng larawan ng mga lalaking hubad at/o nagtatalik sa nabanggit na kategorya. Magmula noon, nawala na sa Haymen ang sidebar na nag-aanunsiyong ito ang number 1 humor blog sa Pilipinas.<ref name=haymennumber2> Number 2: Tunay na Lalake ni Chinaski, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref><ref name=haymenallcaps/> Naging finalist rin sa kategoryang Best Humor Blog ng 2009 Philippine Blog Awards ang Haymen, kung saan kinilala ang mga kontributor bilang isa sa sampung pinakamaimpluwensiyang blogger ng taon.<ref name=azrael> Azrael's Merryland Blog receives an award from the 3rd Philippine Blog Awards ni Azrael Coladilla, binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref>

Naimbitahan na rin ang mga kontributor na magsalita tungkol sa kanilang blog sa iba't ibang konteksto, halimbawa sa Kasarisarian ng Heights (Opisyal na Publikasyong Pampanitikan ng Pamantasang Ateneo de Manila) noong Agosto 2009, bilang guest sa Jam Radio noong Hulyo 2009, May Kuwenta ang Kuwento Ko: The Trend Micro Blogging Summit noong Setyembre 2009, at sa April 5, 2011 episode ng magazine show na Best Men sa GMA News TV Channel 11.<ref name=bestmen> 'Tunay na lalake sa Best Men ngayong April 5! ng GMA News TV, binisita noong: 3 Oktubre 2011</ref>

Pagbatikos at Pag-atake ng mga Troll

Kasabay ng mga pagkilala at papuri ang pagdating ng mga pagbatikos sa Haymen. Iba-iba ang tuon ng mga pagbatikos na ito, i.e. sa konsepto ng blog mismo, sa mga indibidwal na post, sa mga kontributor (mula sa mga mambabasang kilala sa personal o hindi ang mga poster), sa personalidad na paksa ng post o sa ibang mambabasa ng blog.

Mykel Andrada at Danny Arao

Noong Mayo 2009, nag-iwan ng komento ang baklang guro, iskolar at aktibistang si Mykel Andrada sa iba't ibang post sa Haymen. Tinawag niyang "anti gay" ang mga komento at post sa blog, at iginiit na ang popularidad ng blog ay nakaugat sa "pagpapalaganap [ng mga kontributor dito] ng sentimyento laban sa bakla at paggamit sa mga babae bilang objek ng kalibugan." Idiniin niya ring opresibo ang blog, unang-una na para sa mga kontributor nito na "nakulong sa [kanilang] pagiging sexista." Idinagdag niya ring hindi mapagpalaya sa lipunan ang ginagawa ng mga kontributor at kailangan nilang lampasan ang kanilang pagiging isip bata ("grow up!") at "pagiging instrumento ng pang-aapi".<ref name=mykelcomment> Ipis ni Yol, Nasa mga komento ang pahayag ni Andrada. Binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref>

Bukod sa pag-uulit ng kanyang komento sa iba't ibang post sa blog, nagpadala rin si Andrada ng kopya nito sa email ng Haymen. Ginawa niya rin itong Facebook note kung saan ginawan niya ng tag ang ilan sa mga kilala niyang kontributor sa Haymen. Inulan ng batikos si Andrada at nadagdagan pa ang pagbatikos sa mga kontributor matapos ang ginawa niyang ito. Marami rin ang nagpahayag ng suporta at kontra-argumento sa magkabilang panig.<ref name=mykelcommentcont> Paninigarilyo ni Chinaski, Nasa mga komento ang halimbawa ng "debateng" naganap sa blog mismo. Binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref>

Mayo rin ng 2009 nang ilabas ng guro at mamamahayag na si Danny Arao ang artikulong may dalawang bahagi sa kanyang kolum sa website na Pinoyweekly.org at sa kanyang personal na blog na Rising Sun. Matapos sabihing "[m]ahusay ang pagkakasulat at halata mong may malalim na kaalaman sa popular na kultura ang mga nasa likod ng blog na ito"<ref name=arao1> Usapang Lalaki 1 ni Danny Arao, Binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> at ikategorya ang Haymen bilang political satire at sardonic humor, ipinaliwanag niyang "kapansin-pansin ang problemang lumalabas kung binibigyan ng pulitikal na dimensyon ang kababawan ng sukatan sa pagkalalaki".<ref name=arao2> Usapang Lalaki 2 ni Danny Arao, Binisita noong: 22 Pebrero 2011</ref> Aniya, "pundamental ang problema ng blog" dahil "[s]a layunin nitong pag-ibahin ang katangian ng babae’t lalaki, yumakap (intensiyonal man o hindi) ang mga awtor ng blog sa patriyarkal na pananaw." Idinagdag niya pang dahil sa paraan ng pagtatalakay, binibigyang daan ng blog ang "iresponsableng" mga komento at hindi naman talaga naitataas ang antas ng diskurso.<ref name=arao2/> Bilang pagtatapos, sinabi niyang mas mainam kung gagawa na lang ng ibang blog tungkol sa "diskurso ng pagkatao" ang mga kontributor sa Haymen.<ref name=arao2/>

Mga "Di tunay na lalake".

Karaniwang isinasagot ng mga mambabasa ng Haymen sa ganitong kritisismo ang pagsasabing "masyadong seryoso" at literal ang pagbasa ng mga kritiko sa isang "satirikal" at "humor blog". Pinapayuhan din nila ang mga nag-iiwan ng ganitong komento na "huwag na lang puntahan ang blog".<ref name=haymenkambing> Kambing ni Dr. gonzo, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=mykelcomment/><ref name=mykelcommentcont/> Mayroon ring nagbabato ng bastos at maanghang na komentong kadalasan ay nakadirekta sa sekswalidad nina Andrada, Arao at iba pang kritiko.<ref name=haymenkambing/><ref name=mykelcomment/><ref name=mykelcommentcont/>

Iba-iba naman ang naging pagtugon ng mga kontributor sa kritisismo, bagamat karaniwang tinitingnan ng mga bumabatikos sa blog na iisa at magkakaalinsabay ang pagkilos ng mga poster.<ref name=haymenkambing/><ref name=mykelcomment/><ref name=mykelcommentcont/> May mga kontributor na nagbababa ng post na natatadtad ng galit na komento<ref name=mykelcommentcont/><ref name=haymenmike/>, may ilang gumagawa ng post na patutsada sa ilang kritiko<ref name=haymenmike/><ref name=haymenburnik/><ref name=haymendiefools> Die Fools Commenter: Tunay na Lalake ni AVS, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> <ref name=haymenallcaps> All Caps Commenter: Tunay na Lalake ni MDLC, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=haymensatyre> Malinis na Tubig: Tunay na Lalake ni DK aka Kapitan Rakenrol, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=haymensatyre> Online Pinoy Weekly: Tunay na Lalake ni Chinaski, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=araoposts> Iba't ibang Danny Arao Post ni Xyxo Loco, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref>at mayroon ding sumasagot sa mga komento gamit ang kanilang talipanpan.<ref name=haymenmike/><ref name=various> Madalas itong gawin ng mga kontributor lalo na noong unang hating-taon ng blog.</ref>

Sa kritisismo nina Andrada at Arao, may mga kontributor na gumawa ng tugon sa kanilang personal na blog at Facebook page. Halimbawa nito si Co, na sumulat ng blog entry at Facebook note na pinamagatan niyang "Sa mga Mykel Andrada ng Mundo".<ref name=various>Ibinaba na ni Co ang blog entry na ito, at mga Facebook friend niya lamang ang makasisilip ng note niya. Matagal nang hindi naglalagay ng post si Co sa Haymen.</ref> Binatikos niya ang mapaglahat at mapagpataw na tono at argumento ng mga kritiko ng Haymen, partikular na ang kay Andrada. Aniya, ang ganitong estratehiya ay opresibo rin dahil may ginagawa rin itong pagtatakda ng kung ano ang katanggap-tanggap at hindi; para sa lahat, anuman ang kanilang pinanggagalingang konteksto. Idinagdag niya ring dahil hindi lang naman sa mga kontributor nanggagaling ang kahulugan ng mga post sa Haymen, sa pamamagitan ng pagpapatawa, nabubuksan ang posibilidad na mapag-isipan at mapag-usapan ang mga bagay na tinatanggap na totoo, nararapat at mahalaga sa usapin ng pagkalalaki - sa isang paraang hindi institusyunalisado gaya ng pormal na pagdidiskurso. Panghuli, ipinaalala niya sa mga kritiko ng Haymen na maging malay sa sariling pinanggagalingan at konteksto, at "[A]t least isipin [m]an lang na hindi tanga ang kausap mo, kaya galingan mo ring mag-articulate ng arguments".

Gumawa rin ng blog entry at Facebook note ang kontributor na si Jamendang, na pinamagatan niyang "Hay! Men! Ang daming galit sa atin!". Ipinaliwanag niyang problematiko ang pag-iisip na ang Haymen ay tungkol lamang sa kasarian, at nauuwi sa mga komportable at dekahong paliwanag ang anumang pagsusuring hindi nagsasa-alang-alang sa ibang aspekto nito. Pinansin niya rin na sa Pilipinas, may pamamayani ang mga pemenista at bakla pagdating sa pagteteoriya tungkol sa kasarian. Aniya, marami siyang napulot sa kanyang mga gurong pemenista at bakla ngunit hindi suwak ang kanyang mga natutuhan sa kanyang karanasan bilang isang lalaki. Kasabay ng pag-aming may mga problema ngang nililikha ang Haymen, sinabi niyang gusto niya pa itong obserbahan dahil may mga usapin din itong binubuksan na hindi pa napag-iisipan at napag-uusapan ng "mga lalaki para sa mga lalaki".<ref name=andaminggalit> Hay! Men! Ang daming galit sa atin! ni akosiyol, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Heto ang link para sa gustong sundan ang pagpapatuloy at pagwawakas ng mga argumento.

Mga Troll

Sa internet, ang troll ay isang salitang balbal na ginagamit upang tukuyin ang isang taong gumagawa ng mga bagay-bagay upang makakuha ng espesipikong tugon. Kadalasan, ito ay upang mang-inis, mambuwisit, magpatawa o mambastos ng kontributor, admin o ibang mambabasa sa isang website, blog o forum.<ref name=wikitroll> Troll sa Wikipedia, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref>

Dahil maluwag ang comment moderation sa Haymen, naging paborito itong tambayan ng iba't ibang troll. Ilang halimbawa ang mga sumusunod:

  • ANONYMOUS ALL CAPS COMMENTER - Ito ang ibinigay na pangalan ng mga kontributor at mambabasa sa mga nag-iiwan ng pasigaw na komento. Tinawag silang anonimo dahil madalas na walang kasamang pangalan ang iniiwang komento.<ref name=haymenallcaps/> Noong unang mga buwan ng Haymen, si Anonymous All Caps Commenter ang madalas magsabing korni na ang mga post at malapit nang magsara ang Haymen.
  • Q Spammer - Ganito ang ibinigay sa kanyang pangalan dahil nag-iiwan siya ng komentong may titik Q sa simula na sinusundan ng pagkahaba-habang espasyo. Dahil dito, nagiging mahirap para sa ibang mambabasa ang magbasa at mag-iwan ng mga komento. Bihirang-bihira kung magbura ng komento ang mga admin ng Haymen, pero kapag dumating si Q spammer ay agad na binubura ang kanyang komento.<ref name=haymenq> Addenda sa Manifesto ng Tunay na Lalake ni DK aka Kapitan Rakenrol, Tingnan sa mga komento ang natitirang bakas ni Q spammer. Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref>
  • Generic Subpoena - Unang lumitaw ang ganitong komento sa isang post tungkol sa aktor na si Richard Gomez:
Mga pare, walang bastusan ng pamilya. kaya ako dumiresto (sic) na dito dahil pinapahanap ko pa sa manager ko kung paano kayo kakausapin. pero sa palagay ko hindi na kailangan ng usapan. malinaw na binabastos nyo ako. mag harap harap nalang tayo. di ko na matiis kalokohan nyo.
mag-abang nalang kayo ng subpoena.
Richard Gomez<ref name=haymengeneric> Richard Gomez: Under Consideration ni AVS</ref>
Magmula noon, may mga mambabasang ginagawan ng modipikasyon ang naturang mga pahayag upang bumagay sa mga bagong post. Kinalaunan, tinawag ang ganitong komento bilang Generic Subpoena.<ref name=haymengeneric2> Hay!Men! Balita: Bangkay ng Pinaghihinalaang Biktima ng Davao Death Squad Natagpuan! ni Chinaski</ref>
  • Infidelipinas, half chinees half islam but hundred % filipino by heart, Ishmael, Pogi John Loyd (sic) Cruz at iba pang muslim haters - Mga bumibisita sa site na malinaw na may malalim na galit sa mga Muslim. Binabatikos nila ang mga kontributor sa hindi paggawa ng mga ito ng post na dumudusta sa mga Muslim at sa relihiyong Islam.<ref name=haymeninfidel> Lucio Tan: Tunay na Lalake ni Xyxo Loco, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Madalas silang minumura at pinupulaan ng iba pang mga nagkokomento at pinapayuhang gumawa ng sarili nilang blog. Ang mga troll na ito ang pinakamadalas magkomento noong Setyembre at Oktubre ng 2009, bago ang pansamantalang pagsasara ng blog.<ref name=haymenmuslim> Miss Teen South Carolina: Tunay na Lalake ni Lil Zuplado, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=haymenmuslim2> Lil Zuplado: Tunay na Lalake ni Xyxo Loco, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Unang lumitaw si Infidelipinas noong panahong nominado ang Haymen sa Humor Blog Category ng Philippine Blog Awards.<ref name=haymeninfidel/>
  • Generic TBS at Mike Kosa Lover - Ilang mambabasang may malalim na galit/pagmamahal sa frat na TBS at kulturang hiphop ang madalas magpahayag ng pagkaasar sa ginawang pagbababa ng ilang post sa Haymen. Iginigiit nilang natakot sa TBS ang mga kontributor kaya ibinaba ang mga post. Madalas din nilang sabihing may sekswal na relasyon ang mga kontributor sa rapper na si Mike Kosa.<ref name=haymenmike> Generic Mike Kosa's Lover: Under Consideration ni DK aka Kapitan Rakenrol, Binisita noong: 1 Marso 2011</ref>
  • Photoshopped - May mga mambabasa rin na mahilig mag-iwan ng komentong "photoshopped" at iba pang katulad na komento sa mga post ng Haymen. Noong una ay upang igiit na hindi tunay ang ipinaskil na larawan, o kaya ginawan ng modipikasyon gamit ang software na Photoshop. Kinalaunan, lahat na lang ng post ay iniiwanan ng ganitong komento, kahit doon sa mga post na ang nakalagay ay video o kaya mga larawang hindi naman "photoshopped".<ref name=photoshopped> Busy ang mga taga-DPWH a ni Lil Zuplado, Binisita noong: 3 Oktubre 2011</ref>

Iba pang personalidad

  • Rydex - Noong unang mga buwan ng blog, madalas mag-iwan ng komento ang blogger na si Rydex. Gumagamit siya ng larawan ng mga babaeng naka-Cosplay sa kanyang profile at Facebook account, na ipinamalita niya sa Haymen.
  • Zhurutang - Hindi malinaw kung iisa ang Shurutang na mahilig magkomento noong 2009 at ang Zhurutang na mahilig magkomento noong huling hati ng 2010 at hanggang sa kasalukuyan.
  • HardYick - Isa ring blogger na mahilig makipagsagutan sa iba pang bumibisita sa site. Madalas niyang sabihing mas guwapo siya sa ibang mga nagpupunta sa Haymen. Larawan ng aso ang nasa kanyang profile picture nang gawin ang artikulong ito.
  • Marcelli/Anufi Veykla - Siya ang admin ng tunaynaveyklas.blogspot.com. Madalas siyang mag-iwan ng komento noong unang mga buwan ng blog, marahil upang ipaalam na rin sa mga mambabasa ang tungkol sa kanyang blog.

Pagsasara

Noong ika-17 ng Oktubre 2009, nawala ang buong artsibo ng Haymen at naiwan na lamang ang isang post na may pamagat na "Paalam, baby..." at tekstong "It's not you. It's me." mula sa kontributor na si Xyxo Loco. Naging paksa ito ng ilang balita at ispekulasyon sa internet.<ref name=goodbyetnl> Goodbye, TNL ! Hay!Men - Blog ng mga Tunay na Lalake Closes Its Doors After Almost a Year of High Traffic sa Techpinas.com, Binisita noong: 24 Pebrero 2011</ref><ref name=callsitquits> Tunay na Lalake calls it quits? ni Elijah Mendoza, Binisita noong: 24 Pebrero 2011</ref><ref name=goodbyetunay> Goodbye tunay na lalake sa GMTristan.com, Binisita noong: 24 Pebrero 2011</ref><ref name=tnlbreakup> "Tunay na Lalake, nakipag-break na! ni Kampeon ng Pag-ibig, Binisita noong: 24 Pebrero 2011></ref><ref name=tnldeath> "The Death and Undeath of tunaynalalake.blogspot.com ni accidentallambofgod, Binisita noong: 24 Pebrero 2011></ref><ref name=haymenisgone> "Hay! Men! Ang Blog ng mga Tunay na Lalake Is Gone ni carlodimaandal, Binisita noong: 1 Marso 2011></ref>

Ilang araw matapos ang pagsasara, lumitaw ang tunaynalalake-zombie.blogspot.com, na nagtatampok ng eksaktong kopya ng mga post sa Haymen (hindi kasama ang mga komento). Sa isang disclaimer na inilagay ng may-ari ng nasabing blog, nakalagay na "[w]alang kinalaman ang mga mods ng Hay Men dito. Nahukay ko lang to at nakita ko ang mga nilalaman ng Hay Men. Ang content dito ay sa mga authors ng Hay Men at hindi akin."<ref name=haymenzombie> Tunay na Lalake Lives! Sort of... ni Elijah Mendoza, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Agad rin itong ibinaba ng may-ari matapos magbalik ang Haymen.

Muling Pagbabalik at Kasalukuyan

Ika-27 ng Enero ng 2010 nang muling magbalik sa internet ang Haymen. Kumpleto ang artsibo at mga komento, at may mga post na ang petsa ng pagkakalagak ay noong panahong sarado ito.<ref name=isback> Tunay na Lalake Lives! For Real! ni Elijah Mendoza, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Mapapansin rin na halos dalawa na lamang sa mga kontributor ang gumagawa ng post: sina Xyxo Loco at Lil Zuplado. Paminsan-minsan ay may post rin galing kina Chinaski at DK aka Kapitan Rakenrol.

May bago ring idinagdag sa template ng Haymen. Sa ibaba ng bawat post ay may dalawang butones na may pangalang "DIGS" at "TAE". Ang butones na ito ang kini-click ng mga bumibisita upang magpahayag ng pagsang-ayon (DIGS) o pagtanggi (TAE) sa inilagak na post.

Ikinadismaya naman ng kritikong si Arao ang pagbabalik na ito. Sa isang panibagong artikulo, ibinuod niya ang kanyang mga naunang argumento laban sa Haymen. Pagkatapos, isinalaysay niya ang kanyang pakikipagsulatan sa aniya'y isa sa mga poster sa Haymen na nagbitiw sa pagiging admin at kontributor. Dagdag pa niya, ikinalungkot niya ang muling pagbabalik ng nasabing kontributor sa Haymen matapos niya itong bigyan ng "unsolicited advice" tungkol sa kung paanong gumawa ng satirikong diskurso.<ref name=arao3> Kuwento sa likod ng blog na Hay! Men! ni Danny Arao, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref>

Sa kasalukuyan, maraming post ang nagmula sa mungkahi ng mga bumibisita sa Haymen, na ipinadadala sa pamamagitan ng email sa tunaynalalake@gmail.com, ang "email ng mga tunay na lalake." Popular rin ang mga TNL at DTNL Kodak Moment, kung saan makikita ang ilang personalidad, mambabasa at kontributor na nakuhanan o sadyang umaasta sa "makalalake" o "hindi makalalakeng paraan."

Bokabularyo

  1. Digs - Iba-iba ang paggamit ng "digs" sa Haymen, bagamat sa pangkalahatan ay positibo ang konotasyon ng salitang ito. Halimbawa, ang isang post na digs ay "aprub", "nakakatawa", "nakuha ko". Ginagamit rin ito upang magpahayag ng pagsang-ayon i.e. "digs ko ang sinabi mo" o simpleng "digs!". Samantala, ang mga post na masyadong bastos, korni, malabo, hindi masakyan ay "hindi digs" i.e. "hindi ko digs to!". Noong unang taon ng blog, popular din sa mga troll ang ekspresyong "digs ba mga ulol?"
  2. Kung anu-anong shit - Unang lumabas ang pariralang ito sa post tungkol kay Tim Yap, na hinusgahan bilang di tunay na lalake dahil sa "kung anu-anong shit."<ref name=haymentimyap> Tim Yap: Di Tunay na Lalake ni MDLC, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Magmula noon, naging bahagi na ito ng bokabularyo ng mga bumibisita at kontributor sa site. Karaniwan itong ginagamit bilang pamalit sa "at iba pa/etc." at para kutyain ang mga taong masyadong mahaba o ma-jargon ang sinasabi (i.e "ang dami mong shit").
  3. TNL, DTNL, UC - pagpapaikli sa mga pangunahing kategoryang ginagamit sa blog: Tunay na lalake (TNL); Di tunay na lalake (DTNL); at Under Consideration (UC)
  4. TNL/DTNL Kodak Moment - Mga larawan ng iba't ibang personalidad na nakunang may ginagawang "makalalake" o "hindi makalalake".
  5. (Pangalan ng Personalidad) + rule - Para mapadali ang argumentasyon, tinutukoy na lang ang ibang post sa pamamagitan ng pagtawag dito bilang rule. Halimbawa: John Lloyd rule = Trabaho lang; CD-R King rule = Ang tunay na lalake ay malabong kausap; Kim Chiu rule = Ang tunay na lalake ay walang emosyon at hindi marunong umarte
  6. Tangina This - Binago ng isang admin ng Haymen ang template ng blog upang lumabas ang X People Tangina This sa bilang ng komento sa bawat post, bilang paglalaro sa "Like" button sa popular sa social networking site na Facebook (X People Like This). Kinalaunan, naging ekspresyon na rin ito ng ibang nag-iiwan ng komento at naging pamagat ng ibang post. Ilan sa mga kontributor ng Haymen ay gumawa rin ng Facebook page na gumagamit ng ekspresyong ito.<ref name=tanginathispage> Facebook page ng Tangina This!, Binisita noong: 3 Oktubre 2011</ref>
  7. @ + oras ng kumento - Dahil karamihan sa mga naglalagay ng komento ay hindi naglalagay ng pangalan, nakagawian nang tukuyin ng isang commenter ang iba pang commenter sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong "@" katabi ng oras ng kanyang komento. Halimbawa: "@4:21 - Digs ko ang sinabi mo."

Ibang Midyum

Noong Abril ng 2009, naglagay ng teaser ang kontributor na si Toink tungkol sa "Show ng mga tunay na lalake", ang orihinal na pinanggalingan ng konsepto ng Haymen. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang ibang anunsiyo kung natuloy ba ito o hindi.<ref name=haymenshow> HAY! MEN! Ang show ng mga tunay na lalake! Trailer. ni Toink, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref><ref name=haymenshow2> ANG SHOW NG MGA TUNAY NA LALAKE ni Xyxo Loco, Binisita noong: 23 Pebrero 2011</ref> Samantala, heto naman ang dokumentaryong nilikha ng Tempest Films Production tungkol sa "kung ano ang katangian ng mga tunay na lalake". Sundan lamang ang link ng video para mapanood ang iba pang pelikulang ginawa ng Tempest Films na nakabatay sa konsepto ng Haymen.

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.