Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Banaue Rice Terraces

thumb|right|250 px|Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay isa sa mga binansagang World Heritage Site ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization) at ikawalo sa mga kahangahangang pook sa buong mundo. [1] Ang hagdanang-tanimang ito ay nililok 2000 taon ang nakalilipas ng mga ninuno ng mga mamamayang Batad sa mga bulubundukin ng Ifugao. [2]Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Pinaniniwalaang ang hagdan-hagdang palayan ng Banawe ay nililok 2,000 o 3,000 taon ng nakalilipas. Ang mga sinaunang katutubo ay hindi umano gumamit ng kahit na anumang makinarya. Gayunpaman, kamangha-mangha ang kagandahan nito.[3] Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo ng mga hagdan, papalibot ito sa kalahati ng mundo.

Noong 1995, dineklara ito ng UNESCO[4] bilang isa sa mga world's heritage site. Ayon sa UNESCO, ito ay isang gawang-kamay na hindi mapantayan ang kagandahan - a living cultural landscape of unparalleled beauty.

[baguhin] Kahalagahan

Ang hagdan-hagdang palayan ay ang kaisa-isang istruktura sa Pilipinas na walang ipinapakitang impluwensiya mula sa mga dayuhang mananakop. Dahil sa masalimuot na topograpiya ng Cordillera, nahirapan ang mga dayuhan na makarating sa kanilang lugar. Ang mga tribong nakatira rito ay ilan sa mga kaunting Pilipinong matagumpay na tumanggi sa dominasyon ng mga dayuhan at nagpakita ng kanilang sariling kultura at tradisyon.

[baguhin] Mga isyung kinakaharap

Ilan sa mga suliraning kinakaharap ng Hagdan-hagdang Palayan ay mga isyung pang-kalikasan. Ang pagbabagu-bago ng panahon at lindol ay may matinding epekto sa sistema ng patubig na madalas maging dahilan ng pagkaagnas ng mga baitang. Bukod pa rito, ilan sa mga pamilyang nangangalaga sa mga palayan sa loob ng maraming henerasyon ay bumitaw na sa pagtatanim ng palay kapalit ng mas mabilis na anihing mga pananim. Marami rin sa mga nakababatang miyembro ng pamilya ay mas pinili pa ang pagtira sa mas malalaking siyudad kaysa sa pangalagaan ang lugar.[5]

[baguhin] Mga Larawan

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na kawing


Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>