Gumamela

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Gumamela

Ang Gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak sa Pilipinas dahil ito ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Kilala rin ito sa tawag na Hibiscus, Rosemallow, China Rose at Shoeflower. Sa Pilipinas, ito ay tinatanim upang gawing palamuti o dekorasyon.

Mga nilalaman

[baguhin] Katangian

Ang Gumamela ay isang palumpong na lumalaki ng mula isang metro hanggang apat na metro. Ang mga bulaklak ay malalaki, kitang-kita at kahugis ng trumpeta. Mayroon itong lima o higit pang talulot na tumutubo sa iba't ibang kulay: pula, dilaw, puti, lila, kahel, rosas at iba pang kombinasyon ng kulay.

[baguhin] Mga Gamit

Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak na ito ay ginagamit na pantapal sa mga bukol, maga at beke. Ang katas na nakukuha sa ugat ay ginagamit na gamot sa venereal diseases at lagnat, habang ang mga dahon naman ay ginagawang pamahid sa lagnat at sakit ng ulo.

[baguhin] Sanggunian

  • Gumamela. (Hinango noong 23 Abril 2009).
  • Hibiscus. (Hinango noong 23 Abril 2009).
  • [1] (Filipino Herbs Healing Wonders - 2004- 2014)

[baguhin] Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.