Gregorio del Pilar

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Gregorio del Pilar (Picture from ([1]).

Si Heneral Gregorio H. del Pilar (Nobyembre 14,1875 - Disyembre 2,1899), “bayani ng Tirad Pass”, ay ang pinakabatang Pilipinong heneral na nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas noong panahon ng rebolusyon.

Siya ang pangalawa sa mga pinakabatang anak ng kanyang mga magulang na sina Fernando H. del Pilar at Felipa Sampio, na ipinanganak noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan. Marahil nasa dugo na niya ang pagiging nasyonalismo dahil sa ang kanyang tiyo na si Marcelo H. del Pilar ay isa ring propagandista, at ang isa pa niyang tiyo na si Padre Toribio H. del Pilar ay kasama naman ay sa pag-aaklas sa Cavite noong 1872.

Mga nilalaman

Edukasyon

Nakamit niya ang kanyang maagang edukasyon mula kay Maestrong Monico at kinalaunan ay mula sa paaralan ni Pedro Serrano Laktaw. Matapos niyang makumpleto ang kanyang pag-aaral sa elemantarya, pumasok siya sa Ateneo de Manila at tumira kasama ang kanyang tiyo na si Deodato Arellano, pinuno ng kilusang propaganda.

Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong Marso 1896, ngunit sumiklab na noon ang rebolusyon kaya hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral bilang Master Craftsman.

Mga Pakikipaglaban

Noong 1 Enero 1897, bilang isang sundalo, siya at ang iba pa niyang mga kasama ay lumusob sa Kakaron. Dahil sa napasok nila ang kuta ng mga kaaway at dahil na rin sa kanyang katapangan, itinaas ang kanyang ranggo bilang Tenyente. Noong Agosto 1897, nagsagawa naman siya ng isang pagsalakay sa Paombong, kung saan natalo rin niya ang pwersa ng Espanyol at muling naitaas ang kanyang ranggo sa Tenyente Koronel.

Napansin ni Aguinaldo ang kanyang galing sa pakikidigma, kaya matapos ang konklusyon ng Kasunduan ng Biak-na Bato noong Disyembre 14 at 15, 1897, sumama siya kay Aguinaldo at naging isa sa mga alaga nito. Noong Mayo 1898, itinalaga siya ni Aguinaldo na maging Diktador ng Bulakan at Nueva Ecija.

Sa gabi ng 1 Hunyo 1898, dumating ang tropa ni del Pilar sa Kay Luntaw, itinayo ang kanyang kuta sa Matungao at sinimulan niyang paligiran ang probinsiya ng Bulakan. Noong 24 Hunyo, pinirmahan ni Gobernador Vicente Cuervo at Commander Ortiz ang pagsuko ng mga Espanyol, at dahil sa kanyang tagumpay, itinaas muli ang kanyang ranggo sa Brigadier General.

Naging kanang-kamay si del Pilar ni Aguinaldo noong 5 Hunyo 1899. Ginawa rin siyang Gobernador Militar ng Pangasinan. Noong Nobyembre 22, inutusan si del Pilar na depensahan ang Mt. Tirad upang maprotektahan ang pagtakas ni Presidente Aguinaldo.

Sa umaga ng 2 Disyembre 1899, sinugod ang Mt. Tirad ng 300 Amerikano sa ilalim ni Major Payton C. March. Noong una, napigilan ng mga sundalong Pilipino ang pag-atake ng mga kaaway, ngunit isang bayarang espiya, si Jose Galut ang nagkanulo sa mga Pilipinong sundalo kaya naman nakapasok ang mga kaaway. Sa araw ding ito, nabaril si del Pilar at binawian agad ng buhay.

Kinuha ng mga Amerikano ang kanyang mga personal na gamit, kabilang dito ang isang talaarawan na may nakasulat na,


  1. if:
{{#if:|
border: 1px solid #AAAAAA;

}}" class="cquote"

width="20" valign="top" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:20px 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px I am resigned to the terrible fate which overcomes me and my valiant soldiers but I am happy to die fighting for my beloved country. width="20" valign="bottom" style="color:#B2B7F2;font-size:{{#switch:20px 10px=20px 30px=60px 40px=80px 50px=100px 60px=120px
{{#if:|

—{{{4}}}{{#if:|, {{{5}}}}}

}}

}}

Sa 60 na sundalo na lumaban sa Mt. Tirad, walo lamang ang nabuhay. Isang marangal na sundalong Amerikano, si Lt. Dennis P. Quinlan, ang nag-utos sa kanyang mga tauhan na magbigay galang sa mga namatay na magigiting na sundalong Pilipino. Sa isang batong pananda kung saan namatay si del Pilar, nakaukit ang mga sumusunod na salita:


GENERAL GREGORIO DEL PILAR
KILLED
AT THE BATTLE OF TIRAD PASS
DECEMBER 2, 1899
COMMANDING AGUINALDO'S REARGUARD
AN OFFICER AND GENTLEMAN

Talambuhay

General Gregorio Del Pilar ang bayani ng Pasong Tirad, ay pinanganak sa Bulacan noong Nobyemre 14, 1875, ang panlimang anak nila Fernando H. Del Pilar at Felipa Sempio. siya ay pamangkin ng tanyag na propagandistang si Marcelo H. Del Pilar na kapatid ng kanyang ama. matapos tapusin ang pangunahing antas ng pagaaral sa kanyang bayan sa Bulacan, siya ay pumasok sa paaralan sa Manila una sa pribadong paaralan ni Pedro Serrano Laktaw, pagkatapos ay pumasok sa Ateneo, kung saan nakuha niya ang kanyang pagtatapos sa kursong A.B. noong Marso 1896. Noong panahon ng kanyang pagaaral sa Manila, siya ay nanunuluyan sa bahay ng makabayang si Deodato Arellano, asawa ng kanyang Tiyahin. siya ay nagtrabaho bilang isang palihim na kartero sa ilalim ni Arellano, sa pagpapakalat ng mga kasulatang pang Propaganda sa Manila at sa mga karatig probinsiya.

Isang Gabi ng Sabado, siya ay patagong pumasok sa loob ng simgahan ng Malolos kinuha ang mga pantakip ng materiyales ng kontra propaganda ni Fray. Rodroguiez ( na binebenta ng Cura sa simbahan pagkatapos ng misa) at ginamit ang mga takip na to sa mga kasulatan nila Jose Rizal at M. H. Del Pilar. iniwan ni Gregorio ang mga kasulatang propaganda sa ilalim ng takip ng kontra propaganda na kasing laki at parehas na materyales na ginamit ng cura para sa kanyang kontra propaganda. ng sumunod na araw ng Linggo, binenta ito ni Fray. Garcia sa mga tao, sa pagaakalang ang nilalaman na mga pampleta nito ay ang kasulatan parin ni Fray. Rodriguez na kontra propaganda. ng araw na ding yoon, pinagtawaanan ng mga mamamayan ng Malolos ang kanilang cura na naloko ng isang batang Gregorio sa paglalaganap ng mga kasulatan ng mga Pilipinong propagandista.

ng sumiklab ang rebolusyon noong agosto 1896, siya ay isa sa mga kabataan ng Bulacan na kasama sa sumiklab ang dadaming makabayan. siya ay sumama sa mga pakikidigma, una siyang nakilaban noong Enero 1, 1897 sa mga parang ng Kakaron de Sili, dahil sa kanyang pinakitang kagitingan sa laban na ito, siya ay ginawaran ng rango bilang isang tinyente. siya ay patuloy na nagpakita ng kagilagilalas na katapangan sa mga dumating pang pakikibaka kung kaya't siya ay naging isang Kapitan sa hukbong sandatahan.

Noong Setyembre 3, 1897, pinauwi niyang duguan ang mga Kastila sa Laban sa Paombong. inangat ni General Aguinaldo ang kanyang Rango bilang isang Tinyente- Colonel. matapos ang paglagada sa kasunduan ng Biak na Bato sinamahan niya si Heneral Aguinaldo sa Hong- Kong. nang sumiklab muli ang rebolusyion, matapos ang tagumpay ni Dewey sa Manila Bay, bumalik si Del Pilar sa Pilipinas kasabay ni Aguinaldo at naglayag ng sarili niyang watawat sa Bulacan, at pinalaya ang probinsiya sa kamay ng mga Kastila. umangat muli ang kanyang rango bilang isang Brigader- General at naatasang pamunuan ang hukbo ng buong probinsiya ng Bulacan. makalipas ang ilang buwan, siya naman ay nakidigma sa mga amerikano na ayaw kumilala sa kasarinlan ng Pilipinas. nakidigma ang kanyang mga tauhan laban sa hukbong amerikano sa ilalim ng pamumuno ni Col. juan M. Stotsenberg malapit sa Quinga (Plaridel) at napatay si Stotsenberg. siya ang namumuno sa bantay panlikod ni Presidente Aguinaldo sa kanyang pagtakas sa Bayambang.

sa Pasong Tirad, noong umaga ng Desyembre 2 1899, siya ay nakidigma sa huling pagkakataon at isinaalang alang ang kanyang buhay upang makatakas si Aguinaldo.

Pagkamatay

ang kanyang pagkamatay at pagkatalo ng kanyang sandatahan ng 60 katao ay napadali dahil sa isang traydor na nagngangalang Januario Galut na nagturo sa mga Amerikano ng isang daanan sa kabilang dako ng Pasong TIrad. dito niya pinadaan ang mga Amerikanong sundalo upang sugurin ang mga tropa ni del Pilar mula sa likod habang ang buong lakas ni Major March ay sumusugod mula sa harapan. ipit mula sa dalawang magkasalunga na paulan ng mga bala, sila ay nakibaka na parang mga Lion na wala nang pupuntahan. si del pilar at ang kanyang 52 tauhan ay namatay sa pakikipaglaban. 8 lamang ang natirang buhay sa laban. sila ay tumakas matapos mamatay ang kanilang kapitan sa laban upang ikwento ang kanyang kabayanihan sa pakikidigma sa Pasong tirad sa ngalang ng bayan.

sa kanyang pagkamatay, ninakawan pa ng mga sundalong amerikano ang kanyang bangkay. ninakaw ang kanyang baril, kuwaderno, mga personal na papeles, sapatos, pilak na panlikod bota, mga buttones, pera, panyo ng babae na may pangalang nga burda "Dolores Jose", pambalikat na plato, gintong kwintas na naglalaman ng buhok ng babae, gintong relo at isang diamanteng singsing.

"Our American heroes" sabi ni Mr. Van Meter, isang american war correspondent "did not stop at stealing the pennies of a dead man's eyes', but they stripped the last stitch of clothing off of his body and then left it without burial"

ilang araw makalipas ang laban sa Pasong Tirad, nakalagak parin ang bangkay ni Heneral Del Pilar na hubad na dahil sa pagnanakaw ng mga amerikanong sundalo ay di parin nakalibing. hanggang sa dumaan ang isang magalang at edukadong Opisyal ng mga Amerikanong nagngangalang Lt. Dennis P. Quinlan, ng 11th Cavalry. ipinalibing niya si Del Pilar ng may karangalan na iginagawad sa isang Militar.

Parangal

Ilang taon matapos ang 1930, ang Philippine Historical Committee ay naglagay ng pananda sa Tirad Pass. Sa bayan din ni del Pilar, isang pananda ang ginawa para sa kanya upang siya ay kilalanin at laging maalala.


Sanggunian

  • Filipinos in History. Vol II. Philippine Theater. Manila: National Historical Institute, 1990.
  • Gregorio del Pilar. (Hinango noong 23 Mayo 2008).
  • Gregorio del Pilar. (Hinango noong 23 Mayo 2008).

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.