Gregorio F. Zaide

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Gregorio F. Zaide (Picture from ([1]).

Ipinanganak noong 25 ng Mayo 1907 sa Pagsanjan, Laguna, si Dr. Gregorio F. Zaide (1907-1986), ay ang itinuturing na “Dean of Filipino Historiographers”. Sa loob ng 50 taon na ginugol niya sa pananaliksik, pagtuturo at pagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas at ng pamahalaan, siya ang isa sa mga itinuturing na pinakatanyag na Pilipinong taga-tala ng kasaysayan.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Siya ay nagtapos nang may pinakamataas na karangalan noong hayskul sa Laguna High School noong 1926. Nakamit niya ang kanyang Ph.B. (1929) at M.A. (1931) mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Ph. D. (1934) mula sa Unibersidad ng Santo Tomas.

[baguhin] Karera

Si Gregorio F. Zaide ang naging pinakabatang tagapagturo sa Unibersidad ng Pilipinas at siyang naging unang professor emeritus sa Far Eastern University, Maynila. Nagturo rin siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at San Beda College.

Naging presidente siya ng Philippine Historical Association ng tatlong termino at ang tinaguriang tanging Pilipino na kasapi sa American Historical Association (Washington, D.C.).

[baguhin] Ilang mga Gawa

  • Pageant of Philippine History (2 volumes)
  • History of the Republic of the Philippines
  • Philippine History and Government
  • Philippine Civilization
  • Ancient Religion of the Filipinos
  • Constitution of the Philippines
  • Rizal's Life Works and Writings
  • Rizal and Other Great Filipinos
  • History of Asian Nations
  • World History

[baguhin] Mga Pagkilala at Parangal

  • kauna-unahang Pilipino exchange professor sa University of Hawaii (1937-1938).
  • unang Asyano na nagwagi ng United Nations Study Award (1957)
  • unang Pilipino na naging kasapi ng Argentina's Instituto Historico de la Independencia Americana at Mexico's Instituto Panamericano de Geografia e Historia
  • Outstanding Man-of-Letters award mula sa United Poets Laureate International (1965)
  • Republic Cultural Heritage Award (1968), mula sa Republika ng Pilipinas
  • Rotary International Paul Harris Award
  • Achievement Award of the National Research Council of the Philippines
  • Fullbright-Smith Mundt Scholarship
  • Philippine Board of Scholarship and Exchange Profs for SEA Fellow in Madras, India
  • Rockefeller Foundation Fellow

Binawian siya ng buhay noong 1 Nobyembre 1986.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.