Gregoria de Jesus

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Gregoria de Jesus (Picture from ([1]).

Si Gregoria de Jesus (1875-1943) ang maybahay ni Andres Bonifacio at kinikilalang Lakambini ng Katipunan. Kilala rin siya sa tawag na Aling Oriang at bise-presidente ng women's chapter ng Katipunan ng Pilipinas. Marami siyang naging kontribusyon para sa Katipunan. Siya ang itinalagang tagapagtago ng mga importanteng dokumento at ng selyo o sagisag ng kilusan.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay

Ipinanganak siya noong 15 Mayo 1875 sa Kalookan at supling nina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez Francisco.

Noong Marso 1893, ikinasal sila ni Bonifacio sa isang simbahang Katoliko sa Binondo. Matapos ang isang linggo, muli silang ikinasal sa harapan ng Katipunan. Sa gabi ng parehong araw, itinatag ang sangay ng kababaihan ng Katipunan. Siya ay sumumpa na mananatiling tapat sa mga ipinaglalaban ng Katipunan.

Pagkaraan ng isang taon, bumalik si de Jesus sa kanilang tahanan dahil siya ay nagdadalang-tao. Isinilang niya ang nag-iisa niyang anak na pinangalanan niyang Andres. Ngunit matapos ang ilang buwan, namatay ang kanilang anak dahil sa bulutong.

[baguhin] Rebolusyon

Noong 19 Agosto 1896, nalantad ang Katipunan at ang mga sikreto nito ay nabunyag dahil sa ipinagkanulo sila ng kapwa nila katipunero na si Teodoro Patino. Maraming mga Pilipino ang nadakip at nakulong, ngunit sina Bonifacio at de Jesus ay nananatiling nakatago.

Ang mga natirang katipunero ay muling nagsama-sama at nagbalak na sugurin ang imbakan ng armas ng mga Espanyol. Naging matagumpay ang kanilang unang paglusob, kasama ang 800 na tao. Nagdesisyon silang magpatuloy sa Maynila, ngunit sila ay nagapi ng mga Espanyol at marami sa mga katipunero at namatay at nadakip. Bukod pa rito, may hidwaan na naganap sa pagitan nina Bonifacio at Aguinaldo, kaya naman humina pa ang kanilang pwersa. Noong 8 Mayo 1897, nadakip si Bonifacio ng mga tauhan ni Aguinaldo at hinatulan na mamatay.

Matapos mamatay ni Andres Bonifacio, nakilala ni de Jesus si Julio Nakpil at naging kanyang pangalawang asawa. Sila ay ikinasal noong 10 Disyembre 1898 sa Maynila.


Namatay si de Jesus noong 15 Marso 1943.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.