Grand Cordillera Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

right|200px Ang Grand Cordillera Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-huling linggo ng Nobyembre sa lungsod ng Baguio na kadalasang idinaraos sa Burnham Park.

[baguhin] Pagdiriwang

Ang pangunahing layunin ng Grand Cordillera Festival ay upang ipagdiwang ang buhay at kultura sa hilagang bahagi ng Luzon. Ipinagdiriwang ang Grand Cordillera Festival sa pamamagitan ng mga programang tampok ang mga kantang etniko, iba't ibang sayaw, pati na rin ang mga ipinagmamalaking produkto ng naturang lalawigan. Ipinapakita sa pagdiriwang ang iba't ibang tradisyon at kultura ng mga taong naninirahan sa Cordillera Administrative Region. Layunin rin ng pagdiriwang ang pagpapalaganap ng pagkakaroon ng pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad sa mga mamamayan ng siyudad. Kabilang rin sa mga layunin ng pagdiriwang ang pangangalaga sa kultura ng kanilang rehiyon pati na rin ang pangangalaga sa kapaligiran. Isa pang adhikain ng pagdiriwang na maging isang pangunahing atraksyon para sa mga turista ang Cordillera, isang sona ng kapayapaan, at sentro ng edukasyon at ekonomiya sa hilagang bahagi ng Luzon.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.