Graciano Lopez Jaena

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Graciano Lopez-Jaena (Picture from ([1]).

Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog. Kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila ang triumvirate ng Kilusang Propaganda.

Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido Lopez ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni Padre Francisco Jayne ng Colegio Provincial ng Jaro.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Noong 1869, siya ay ipinasok ng kanyang ina sa Seminario de San Vicente Ferrer. Sa pagtatapos niya ang sekondarya, siya ang hinirang na pinakamagaling sa teolohiya sa kanilang klase. Nadismaya ang kanyang ina nang pinili ni Lopez Jaena na maging doktor kaysa maging isang pari.

Dahil sa tulong pinansyal mula sa kanyang mga mayayaman na kamag-anak, lalong-lalo na mula kay Claudio Lopez, isang bise-konsul ng Portugal, si Lopez Jaena ay nagpunta sa Maynila upang mag-aral ng medisina. Ngunit, siya ay hindi tinanggap ng Unibersidad ng Santo Tomas dahil sa kulang siya ng kinakailangang titulo para sa Batsilyer sa Sining. Kaya naman, pumasok siya sa ospital ng San Juan de Dios bilang isang aprentis. Sa kasamaang-palad, sila ay naging kapos sa pera kaya naman siya ay bumalik ng Iloilo at isinagawa ang kanyang pagmemedisina gamit ang konting kaalaman na natutunan niya.

[baguhin] Mga Sinulat

Sa mga panahon na siya ay nanggagamot sa kanyang mga kababayan, nagising siya sa masamang kondisyon ng kanilang pamayanan. Napagtanto niya ang abuso na ginagawa ng mga prayle at ng mga sibil at militar. At dahil dito, noong 1874, isinulat ni Lopez Jaena ang Fray Butod (Big Bellied Friar), na naglalantad ng kasuwapangan, katamaran, at kalupitan ng mga prayle.

Dahil sa kanyang mga sinulat at pagtuturo, nagalit ang mga otoridad ng Espanyol sa kanilang probinsiya kaya naman umalis siya ng Iloilo at nagpunta sa Silay, Negros Occidental kung saan niya naisulat ang La Oceania Española. Pagkatapos ay lumipad siya papuntang Europa.

[baguhin] Sa Espanya

Sa tulong ni Koronel Enrique Fajardo, siya ay nakapag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Valencia. Ngunit dahil sa matinding damdamin niya para sa reporma, siya ay napalayo sa kanyang pag-aaral at napunta sa pagsusulat.

Nag-ambag siya ng mga sulatin sa Los Dos Mundos. Ang iba pang mga pahayagan na napag-ambagan niya ay ang, El Liberal, El Progreso at Bandera Social ng Madrid, La Publicidad, El Pueblo Soberano at El Deluvio sa Barcelona. Nagpadala rin siya ng mga artikulo sa España en Filipinas, Revista del Circulo Hispano Filipino at Revista Economica de la Camara de Comerio de España sa London.

Itinuring ni Rizal si Lopez Jaena bilang “pinakamahusay na Pilipino na nakilala niya, at mas nakatataas pa kaysa sa kanya”.

[baguhin] La Solidaridad

Dahil sa pinansyal na suporta ni Pablo Rianzares Bautista, ang unang kopya ng La Solidaridad ay nailathala noong 15 Pebrero 1889 sa Barcelona, na itinatag ni Lopez Jaena. Nang lumipat ang kanilang opisina mula Barcelona patungong Madrid, ang pagiging punong patnugot ay napunta kay Marcelo H. del Pilar.

[baguhin] Iba pang kontribusyon

  • Lolay
  • Balitaw
  • Islas Filipinas: Cantares de Bisayas
  • El latigo Nacional


Namatay si Lopez Jaena noong 20 Enero 1896 sa Barcelona dahil sa tuberkulosis.

[baguhin] Sanggunian

  • Filipinos in History. Vol II. Philippine Theater. Manila: National Historical Institute, 1990.
  • Graciano Lopez Jaena. (Hinango noong 2 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.