Grace Padaca

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: | }} {{#if: October 25, 1963 | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: Grace Padaca
Bombo Grace | }}
Maria Gracia Cielo Magno Padaca
Imahen:Grace padaca.jpg
Estado {{{estado}}}
Kapanganakan October 25, 1963
Kamatayan
Asawa
Mga Magulang
Palayaw Grace Padaca
Bombo Grace


Si Maria Gracia Cielo Magno Padaca ay ang gobernador ng lalawigan ng Isabela mula 2004. Kilala din siya bilang "Bombo Grace" kaugnay sa kaniyang pagiging isang tanyag na brodkaster sa istasyon ng radyo - ang Bombo Radyo sa Cauayan, Isabela. Si Padaca ay nakatanggap din ng isang natatanging parangal, ang Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2008 dahil sa kaniyang tagumpay sa larangan ng pulitika at serbisyo publiko sa kabila ng kaniyang pagiging biktima ng sakit na polio.


Mga nilalaman

Pinag-Ugatan

Si Grace Padaca ay ipinanganak noong Oktubre 25, 1963 at simula pagkabata ay biktima na siya ng sakit na polio . Lubhang naapektuhan ang kaniyang mga binti, at hanggang sa ngayon ay kinakailangan niya ang gumamit ng saklay.

Nakamit niya ang Batsilyer sa Agham ng Business Administration sa pangunahing kursong Accountancy bilang magna cum laude sa Lyceum of the Philippines noong 1984. Nakapasa siya sa CPA Board Examinations noong 1985 at hindi nagtagal ay nakakuha siya ng trabahong may kinalaman sa kaniyang kursong accounting sa Bombo Radyo Pilipinas sa Cauayan, Isabela. Kinalaunan, siya ay naging isang brodkaster sa nasabing istasyon ng radyo hanggang sa siya ay tinaguriang "Bombo Grace".

Pansamantalang itinalaga si Padaca sa Regional and Overseas Coordinating Office sa ilalim ng Office of the Chairman ng dating Tagapamahala na si Celso Gangan noong Disyembre 1, 1999. Mula Pebrero 16, 2000 hanggang Marso 2001, si Padaca ay naglingkod bilang state auditor ng Commission of Audit (COA) sa GSIS-Cauayan, Isabela.

Bilang isang pulitiko

Noong taong 2001, pinili ni Padaca na iwanan ang kaniyang trabaho kapalit sa pagtakbo sa Kongreso. Nanalo ang kaniyang kalaban na si Faustino "Bojie" Dy III ng 44 na boto lamang. Tumakbo muli siya bilang gobernador noong 2004. Sa pagkakataong ito, nanalo siya laban sa kaniyang katunggali na si Faustino Dy Jr., kapatid ng dati niyang kalaban sa pulitika ng 44,000 na boto.

Noong unang taon niya bilang gobernador, nabayaran niya ng halos two-thirds ang pagkakautang ng buong lalawigan ng Isabela at dahil doon ay nanumbalik ang fiscal credibility ng Isabela. Naglunsad siya ng mga programa upang matulungan ang mga magsasaka ng bigas at mais. Dahil sa programang ito, nagkaroon ng mas malaking pondo para sa infrastructure, medical coverage at iba pang mga benepisyo lalo na sa mga magsasaka at mga nasa sektor ng agribusiness.

Bukod pa dito, nadagdagan niya ang badyet para sa edukasyon at reforestation at mga pagsalakay sa iligal na pagtotroso at pagsusugal. Nagsulong din siya ng "People's Ugnayan" upang magkaroon ng regular na komunikasyon, impormasyon at balita sa mga bagong pangyayari ang mga mamamayan sa buong 36 na bayan ng Isabela.

Matapos ang tatlong taon na termino niya bilang gobernador, tumakbo siyang muli noong 2007 at nagwagi. Sa terminong ito, isa sa mga mahahalagang proyekto niya ay ang microenterprise development. Kasama sa mga plano niya para sa Isabela ay ang pagpapatupad ng PhilHealth sa kanilang lalawigan, kung saan kinakailangang igarantiya ng provincial government ang pagbabayad sa PhilHealth. Ipinangako din niya na mas palalawakin niya ang farming subsidy program na una niyang naipatupad gayun din ang pagpapatibay ng libreng basic education na iminungkahi ng pamahalaan. Nagpahiwatig din siya ng suporta para sa anti-Jueteng ayon sa pananaw ng Simbahan.

Mga Parangal

  • Anchorperson of the Year mula sa Bombo Radyo (1993)
  • Nominado sa Ten Outstanding Young Men/Women (TOYM) Award noong 1992 at 1999
  • International Women of Courage Award mula kay US Ambassador, Kristie Kenney noong Disyembre 5, 2007.
  • Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2008

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.